5days post delivery

Hi mga mamsh 5days na after kong manganak. Tanong ko lang kung ilang araw bago kayo maligo or magbasa ng tubig sa katawan? Tia. ?

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

CS Mom ako. About CS yung alam ko. Pinagalitan ako ng doctor ko kasi 1 week after ko manganak 1 linggo talaga akong di naligo. Nakakabuka daw ng tahi yun and need ko daw maging malinis. Iba sa advice ng matatanda na ilang weeks di pwede maligo. Better to ask your doctor for a right advice. God bless

Pagkadischarge ko po kinabukasan ligo na. Pero unang buhos ko or ung pinangbasa ko sa katawan un pinakuluan na dahon ng bayabas. Tapos every other day na ang ligo

Sa chinese 1 month daw bago pwede maligo kasi open pores pa raw yon and pag tanda daw bago lalabas ung sakit sakit sa katawan pag naligo kagad after manganak😐

9 days after kong mgpahilot naligo na aq ng warm water tps d arw2 every other day ng papahid muna aq ng oil bgo maligo and after 1 month arw2 n ako nliligo.

VIP Member

Aq mommy, 14 days ata bago naligo kasi cs ako at un bilin ni ob, pero half bath ay ok lang namn pinayagan ako ni ob.

Pagka diacharge ko after CS naligo agad ako ang init eh. Warm water lang at saktong ligo lang hindi dapat matagal..

VIP Member

Nung nanganak ako ng normal nag buhos ako ng katawan before madischarge sa hospital. Nag full bath ako the next day

Ako 2 days lang. Pero ung ginamit kong tubig panligo warm na may halong pinakulang dahon ng kamias/ bayabas.

Kinabukasan after naming makauwi from hospital advice po ng doctor maligo na para daw po iwas infection.

Listen to your doctor po, ako a day after naligo na ko kasi yun ang bilin ni doc