37 Replies
Mommy, pls consult pedia kung papayagan na po kayo. May ibang pinapayagan as long as they qualify sa checklist ng pedia. May signs din po kasi sila na tinitignan kung ready na si baby. Re sa food po, ang pinakamainam po is start po with stramed and mashed veggies na may halong breast milk (kung formula si baby, yun gamitin). Kung bibigyan po ng rice cereal, sana po yung walang flavoring na matamis. Kung payagan po kayo ng pedia, ito po mga pagkain na puwede po kay baby: https://ph.theasianparent.com/pagkain-ng-baby-2
Spt po may makita kayo na signs na ready na sya mag eat ng foods. Like natatayo na nya ung ulo nya mag isa... Nakakaupo na sya. Mas mainam po na mag wait nlng po kayo mag 6 months para po ung digestive nila is medyo develop na. And also iwasan nyo po ang cerelac or gerber. Wala pong sustansya yan.. Mag fruits and veggies nlng po kayo..
Ako nga rin sis e.,.excited na ko pakainin si lo ko ng food , talagang inaantay ko mag 6 mos. Sya para sure na ligtas at kakayanin na ng katawan nya . Pero next months 6 mos. Na sya kaya isang buwan nlng aantayin namin . 😁 intay lang sis waith kalng mag 6 sya mabilis lng ang panahon . ☺
Wait po kau until 6 months kasi yung friend ko po last week 4 months palang baby nya pinakain na ng lola dahil naexcite kaya ayun na confine si baby dahil sa bacteria di kinaya ng katawan ni baby kaya nadehydrate. So tiis tiis lang mommy kailangan po talaga 6 months si baby bago pakainin..
Slamat po
Sa elder ko pinatikim tikim ko na sya. Pero hindi cerelac. Dalawang subo mga ganun para ma introduce na sa knya ang food. As per our pedia advise syempre. Kasi everytime kakain kmi nag aagaw sya ng kobyertos ata ngumunguya din sya. Turning 8 y/o n sya ds month.
Dapat po talaga 6 mo ths to up po pakainin si baby. Baka magkaproblema po sa health nya if pipilitin na lumain ng maaga kahit super soft food pa po yan. Hindi pa po layang itake ng digestive system nila at early months ang solid food
False :) pwede na as early as four months
Wait for 6mos po. Or kapag kusang naghahanal na sya ng food. You can go to your pedia and she will advice it if ok na. But 6 mos is better , always start with purees.. mashed kapag 7 to 8 mos pero mostly purees pasin.
Depende Kay lo mo if ready na sya kumaen ng solid .. patikim tikimin mo lng muna and mas better Kung mashed potatoes or kalabasa .. lo ko tinry ko pinakain ng solid 5 mos.. okay naman ..
Ako nun dampi dampi lang muna hehe 4mos baby ko nun pero nung nag 6mos ko na tlaga cya pinakain ng todo now 10mos na kanin na ang gusto marami na kasi ipin gusto may nangunguya cya hehe
4mos si lo ko nung I advise ng pedia nia na pwede na siang kumain, pero once a day lang and steam fruits and veggies muna. Yung cerelac nia every other day and once a day lang din.
Anonymous