Matatapeng ba ang ulo ng baby kung laging nasa isang side ang ulo nito habang tulog?

Hello mga mami. Totoo po na matatapeng ang ulo ng anak natin kapag lagi po sa isang side naka baling ang ulo kapag tulog? Itong anak ko po kasi laging sa right side ang ulo nya. Hindi po keri ng tuwid tapos kapag binaling ko po sa left. Binablik po nia sa right. Sana po mapansin #Newbornbabyboy

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mii ipraktis nyo po ibaling nya sa kabila head niya halimbawa pag feeding breast/bottlefeeding sa kabilang side naman po para pantay head niya. Wag din po gumamit ng unan sa bed para madali maibaling niya ang ulo niya. Ginagawa ko po para elevate ang head ni baby nasa ilalim ng comforter nya yung pillow.. Pwede din po aliwin niyo si baby sa mga high contrast toys or pwede din music at ilagay sa kabilang side para dun naman siya bumaling

Magbasa pa

Okay lang naman po na nakalingon sa isang side pero monitor niyo pa din para malingo niyo sa kabila kasi hindi po talaga magiging pantay ulo ni baby pag laging nasa isang side lang, pag tulog na tulog po doin niyo ipaling. Malambot pa po kasi ang skull ni baby so kapag palaging nasa isang side lang, palagi din po mape-pressure yun kaya hindi nagiging pantau ang shape ng ulo paglaki.

Magbasa pa