Sustento kay Baby

Mga Mami pa Help naman ipapa barangay ko tatay ng anak ko. dahil ang ibibigay lng niya ay Gatas at Diaper yung hinihingi kong pang bayad sa mag aalaga ky baby ayaw niyang ibigay, mag wwork na kasi ko. diba lahat dapat sagot ng tatay? at pano po pag ayaw niyang sumipot sa barangay ano po kaya ang magagawa ko salamat po mamies.

55 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May kasunduan ba kayo na sya magbibigay ng pambayad sa mag-aalaga? O nagbabase lang kayo sa kung sino ang mas may kaya?

6y ago

Sa tatay po ba ng anak mo lahat ng yun? Yung bahay at mga sasakyan sya ba bumili? Wala kasing laban kung yaman ng angkan nya pag-uusapan. Kasi yung basehan ng sustento, kakayanan lang nung tatay ng anak mo. Galing sa pinagtrabahuhan nya. Hindi galing sa pera ng nanay at tatay nya. Isipin mo po, kung ganyan basehan mo e bakit hindi ka na lang din humingi sa nanay at tatay mo ng pambayad sa maid? Tutal tumutulong ka naman pala sa kanila. E di nakabawas ka pa sa pag-aalaga nila sa anak mo