birth

hello mga mamc! tanong ko lang po sa mga napakanganak/manganganak sa PGH kung maganda po ba manganak doon and kung magkano po ang bayad sa panganganak or libre po ba sa PGH?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang alam ko, wala ka na babayaran besides sa personal expenses mo like gamot at toiletries basta may Philhealth ka. Mas maigi magprepare ng atleast 10k para makakabili agad ng gamot or gamit in case kailanganin. Mahirap po talaga pag public. Nag consultation yung prof ko sa Ospital ng Tondo, public hospital din dito sa Manila last week tapos sinama ako. Dun ko nakita gano kahirap manganak sa public. Okay naman sa medical assistance, mapapaanak ka naman ng maayos pero expect mo na hindi pang world class ang alaga sayo. Yung bantay nasa waiting area lang habang ang mother nasa delivery room or ward. Aakyat lang sila dun kapag mag aabot ng kailangan mo. Pag madaming pasyente, 2 or tatlo kayo sa isang kama. Kapag nagtanong ka, minsan iritable pa yung staff sayo at ieemphasize na wala kang babayaran don na parang wala kang karapatan kwestyunin process nila. Ang maganda kapag NSD ka at okay kayo ni baby, the next day pwede ka na umuwi. Tapos na paghihirap mo, nakatipid ka pa. Walang masama manganak sa public hospital lalo na kung praktikal ka. Magbaon lang ng maraming pasensya at pag unawa kasi ipaparamdam talaga nila sayo na wala kang babayaran kaya di ka dapat magreklamo.

Magbasa pa
2y ago

sa fabella daw po , Hindi inaakyat Ang pagkain Ikaw mismo lalabas dun sa hospital kc nasa labas. Ang waiting area Ng bantay o companion, plus Ikaw din mag aasikaso Ng discharge at mga lakad para makadiscount ka