Budget kapag nagkababy. Magkano per month?

Mga magkano po magasto niyo per month sa baby? including yung diaper at ibang needs ni baby. #1stimemom #pregnancy #firstbaby

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

My advices are use cloth diaper and cloth wipes at magbreastfeed. Wala ka halos gagastusin. Sa umpisa lang kasi need mo bumili ng cloth diaper pero maggamit yun ng anak mo till toddler, magkano lang yun compared sa magagastos mo sa disposable diapers tapos mabaho at daming basura. Mag member ka sa fb ng cdaph (cloth diaper advocates ph) marami kang matututunan. Sa center magpavaccine kay baby pag hindi available, saka na sa pedia. Ilang piraso lang ng tie sides bilhin, 3-6 months ang okay para matagal magamit hindi bili ng bili. Pero konti lang din kasi mabilis sila lumaki. Sa basic needs ni baby nsa 2k lang ata umaabot na yun for 2 months. Isang bilihan sa online sale at free shipping. Puro tinybuds😅 Basic needs lang pala yan...wala pa yung mga gamit nya like clothes, toys, crib, stroller, comforter and pillow, high chair, bouncer etc etc Depende sayo pde naman meron pde wala. Magastos talaga magkababy😊 Kaya yung sa taas tipid tips na yan. cloth diaper and breastfeeding. Isa pa palang tips. MagSAVE ng money for baby lang. Para if need check up madala agad.

Magbasa pa