Rant about Christening of my little one

Hi mga ma, share ko lng to kasi sobrang inis ako rn. Kayo ba mga mommies hinahayaan nyo ba na magdesisyon yung inlaws/parent/ibang tao para sa lo nyo? Ganito kasi yan. Dito kami nakatira sa parents ng partner ko. Balak namin talaga pabinyagan na si LO nung April pa lang which is hindi natuloy kasi na force restday for a month yung asawa ko so wala kami income na malaki. Yung daddy ko, nag volunteer sya na mag aabot sya samin ng pera pandagdag sa binyag para matuloy na sya this May. So eto nagset na kami ng plan na ang date ng baptism ni LO ay sa MAY 16, nakagawa na kami ng invitations and all, na send na sa mga Godparents at sa side ko then here comes the problem, yung lola ng partner ko which is 89 yo and sobrang lakas pa (super close kami btw kasi favorite apo nya si hubby) ay nagsusuggest na iurong namin yung date ng baptism na ayaw kong mangyare 😭 ang reason is birthday ng late sister nya na super close at malapit sakanya na namatay nung November lang. All of them are telling me to move the date of the baptism not the next sunday but to June 2 (which is my MIL's birthday para sabay nalang daw) at ang reason nila is wala daw pupuntang ninong at ninang ni baby eh 2 ninongs lang naman kinuha ni hubby sa side nya kaya Sobrang inis na inis ako kasi yung partner ko wala man lang rin say. Ang sakin lang is bakit hindi ako yung dapat masunod eh ako yung nanay? Tsaka nag plan na kami, nasend ko na sa mga friends (god parents) yung invitations na may mga work rin sa 16 nag adjust sila na ipa day off yun to attend my child's christening. Hayyyy, I need your opinions mga kananay. Sobrang badtrip ako right now. Anyway, thanks for reading this long post.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hehe seems like a common problem with relationships is limiting the interaction or intervention.take a stand but be polite hehe