Naguguluhan na ako sa results ko , Please help :(
Hello mga ma, i need your help/advice/opinion regarding sa experience ko kanina. Mas ok kung may same experience na kayo. Ganito kasi ang kwento, first time ko kanina kumuha ng lab test dun sa diagnostic clinic na preferred/tie-up ng clinic kung saan ako nagpapacheck up. Ang kinuha kong lab nun ay BPS Ultrasound. Tapos nagtataka lang ako kasi from my previous results (sa ibang diagnostic clinics na napagkuhaan ko), supposedly I'm on my 37-38 weeks na dapat (both Transvaginal and pelvic. Kung may discrepancy man, hindi sobrang layo. Like 1-3 days lang dun sa dalawang nauna kong diag. clinic) dun sa 2nd to the last ultrasound result dated aug 17, Im on my 35 weeks and 3 days na. Pero dito sa pinagkuhaan ko na huli (dated today, aug 30) 35 weeks and 2 days pa rin. Ano yun, di lumaki yung bata sa loob? What worries me pa eh a night bago ako pumunta sa diagnostic clinic na ito, may lumabas na sakin yellowish-colored, jelly-like discharge which I suspected na mucus plug. And kung 35 weeks palang ako, e di delikado na may lumabas sakin na mucus plug. Tapos nakalagay din sa impression ng amniotic fluid ko "adequate with debris. Nonmohydramnios to exclude thinly meconium laden amniotic fluid". Meconium???? E di ba dumi ng bata yun? Kung tama pagkakaintindi ko may bahid na ng dumi yung amniotic fluid nya tapos 35 weeks palang ako sa BPS??? I'm still not showing the diagnostic result dun sa clinic na pinapacheck up-an ko and scheduled pa ako sa wednesday bumalik sa kanila. Dapat na ba ako lumipat ng clinic if iinsist pa rin nila yung diagnostic clinic na yun? Normal ba at mas accurate ang result ng BPS kesa sa mga previous test ko? Nappraning na ako dito at nag aalala. Yung supposedly early sept eh naging october yung EDD ko and kung mali pala basa nila baka maoverdue ako ng sobra sobra. By the way, please try to be nice with your comments kasi natataranta na ako talaga dito and bear with me kasi wala ako ibang matatanungan. First time mom lang din ako.#pleasehelp #1stimemom #advicepls #pregnancy