2 Replies

hello po mommy, congrats po sa paglatch ni baby! ganoon po talaga mommy pag sumisipsip na si baby, nasestretch po kasi yung balat ng nipple at napupunit. pinapahiran ko po ng breastmilk ko pagtapos ni baby yung sa akin noon. pag naliligo po ako, nililinisan ko nalang po ng maigi para iwas infection. sapat po milk mo mommy nag aadjust po sa needs ng baby natin yung katawan po natin. nagkakabody odor para maamoy po tayo agad, pag umiiyak yung baby lumalabas po yung gatas para maamoy agad ni baby para alam niya saan ang nipple. sana po ok na po ang latch ni baby 🙂

Masakit po talaga sa mga unang araw. Habang tumatagal po at habang gumagaling maglatch si baby, mababawasan din po yung sakit. Yung iba po ata gumagamit ng nipple shield. Hindi naman po ibig sabihin konti ang gatas kasi kung konti, iiyak po talaga sya at magugutom. Sa pamparami naman po nga gatas, ako po nagttake ng Natalac, 3x a day. Pero depende din po kung ano magwwork sa inyo. 😊

Trending na Tanong

Related Articles