Nag dugo ang pusod

Hello mga kapwa ko mommies. Pasintabi po sa picture. I gave birth nung May 12. Natanggal ang pusod ni baby nung May 19. Mejo nagbasa ang pusod nya kaya nagpa consult na kami sa pedia. Niresetahan kami ng mupirocin para iapply sa pusod ni baby. Then kahapon, may konting dugo. Siguro nasasagi ng diaper kaya ganun. Ano po ba ang dapat gawin? Natatakot po kase ako dahil sa pusod ito at delikado po. Sana at matulungan nyo. Salamat

Nag dugo ang pusod
15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako mamsh may 20 nanganak tapos after 4 days natanggal na pusod nya tapos ngayon naka paloob na sya at tuyo na, advice ng ob ko nung nanganak ako wag na wag bigkisan, alcohol 70% isoprophyl only without moisturizer, buhusan then dump dump ng malinis na tissue 3 times a day tapos itupi lang diaper paloob para di malagyan ng ihi kase pwedeng mainfection at para di tamaan ng diaper para din mahanginan effective mamsh, kase pag with mousturizer or ethyl ang ginamit lalo pong hindi matutuyo ang pusod ni baby

Magbasa pa

My pedia told me na wag daw lagyan ng alcohol, just purely water and soap tapos airdry, wag bigkisan.. sa lo ko din kasi hindi ako naglalagay ng alcohol sa pusod niya, nong 1st appointment namin sa 19 na fall off na yung pusod niya at hindi naman dumugo, tapos nilinisan ng pedia namin pusod niya, ngayon same lang gingawa namin we clean sa pusod through water and soap. okay naman pusod niya malapit na magheal.

Magbasa pa

ganyan din nangyari sa pusod ng LO ko dahil pinakialaman nung kapatid na panganay ng LIP ko. langya, nakakairita, masyado kasing nagmamagaling. okay lang naman kung gusto niyang linisan anak ko pero dapag nagdadahan-dahan. samen wala namang nireseta, pinapahiran lang ng alcohol okay na ngayon pusod ni LO.

Magbasa pa

nanganak ako may 7, natanggal pusod ni baby may 17. binibigkisan lang si baby pag pinapaliguan. alcohol 70% lang po na may bulak pinanglilinis pero sa case niyo po, follow lang po kung ano yung instructions ni pedia. pwede niyo rin po iconsult yan ulit for assurance na okay ang pusod ni baby mi.

Make sure na tupiin po yung diaper mommy para hindi po magasgas sa pusod ni baby. At 2x a day niyo po linisan. Warm water lang panlinis mommy wag alcohol kasi mahapdi po yun para kay baby :)) takpan narin ng bigkis para safe po

Mommy kamusta po pusod ng baby niyo ngayon? Ano pong ginawa niyo? Parang ganyan po kasi pusod ng baby ko sana po mapansin niyo tong message ko 🥹

6mo ago

Update po sa pusod ng baby nyo ano gnwa nyo?

Patakan nyo po 70% alcohol 3x a day, hayaan nyo lng din po nahahanginan wag po bigkisan, mas matagal po kc gumaling pag naka bigkis.

ganyan dn po sa baby ko,.alcohol po pinanglilinis ko tas lagi nakatupi yung diaper,.ngyon po ok na yung pusod niya hindi na dumudugo,.

same po tayo nag dugo din po pusod ni baby nakaraan may 11 naman po sya pinanganak alcohol 70% tapos nag balit muna ako ng diaper nya

Post reply image

Patakan nyo po 70% alcohol 3x a day, hayaan nyo lng din po nahahanginan wag po bigkisan, mas matagal po kc gumaling pag naka bigkis.