FirstTime Mom

Hi mga kafellow mommies, first time mom here. Sino dito na nakaranas na walang ganang kumain and yung habang kumakain ka parang nasusuka ka. Sabi nila normal for the 1st trimester and then mawawala din daw after 1st trimester. Yung iba kasi sabi nila sobrang takaw nila nung 1st trimester, while ako kabaliktaran. Nagwoworry kasi ako baka di normal itong nararamdaman ko. Part daw ng paglilihi kasi sabi ng iba. 😔 By the way, I’m 10 weeks preggy po. Salamat po.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal sya, mommy. Ganyang ganyan rin ako. Maski anong food di ko talaga makain kasi yung thought na isusuka ko lang rin naman. Bale ang ginawa ko small small portions every 1-2 hours. Biscuits ganun, fruits at pinilit kong mag milk. Kada check up ko kasi sa ob gyne, pababa ng pababa yung weight ko. So far this first trimester lang 6 kilos na na loss ko. Sana makabawi this second trimester hehe.

Magbasa pa
3y ago

11 weeks pregnant po ako ngayon, mommy. Medyo patapos na sa first trimester hehe. Minsan nga naiiyak nalang ako kasi sobrang haggard ko na tapos pumayat pa lalo. Drink ka madaming water mommy, try mo rin yung anmum na chocolate, tinitimpla ko sya sa hot water. Two times a day ko sya iniinom pag alam kong walang laman tyan ko. Try mo lang momsh para kay baby. Tapos paunti unting prutas kasi nakakaparanoid na susuka ka ulit hehe pero pinipilit ko, after mo po kumain try mo rin magcandy agad yung mint. Dibale mommy bawi tayo sa second trimester 😀