31 Replies
12w1d today tamad n tamad ako gumalaw, gusto ko lagi nkakulong sa room, pag kumakain ako ng gusto ko at npaparami ng kain mmya mya nhihirapan nko huminga parang masikip sa pakiramdam, pag my naamoy na kakaiba or nakain na hindi gusto susuka, lagi din masakit ung likod ko though hindi pnmn gnun kalaki tummy ko, pg natutulog ako tas mag iinat ako ung tummy ko naninigas, sobrang dalas ko din umihi as in nag aarenola nako sa room. haist ang hirap gusto ko n mag March hehe
13 weeks now, ang ayaw kong amoy ay ung sinigang mix jusko sakit sa ilong. sa pagkain ok nman hnd maxado mahanap sa pagkain. madalas sumakit ulo pero di naman buong araw. masakit likod cguro kakaupo ng matagal sa office. bantay BP dn sabi ni OB para iwas preeclamcia. 45 days bagk ang follow up check up and need na ng lab tests pagbalik hehe ramdam ko c baby parang nalangoy sa tubig sa tiyan ko. ung feeling na kumukulo ang tiyan kahit kakatapos lng kumain 😅
ako po 10weeks and 5days napo,medyo maselan hahahaha kain ng kain minut minuto hahaha medyo malakas pako sa kanin pero pinipilit ko wag kumain ng madaming kanin lalo na sa gabi kasi baka lumaki daw agad si baby and morning sickness padin ako minsan ang selan ko sa pagkain and amoy hahahaha ihi ng ihi at hirap din po ako sa pagtulog super di talaga ako mapakali di ko alam kung san ako lalagay,ang hirap matulog lalo na sa gabi mapupuyat ka talaga
9w4d no morning sickness... pero few weeks ago may mga amoy na di ko gusto, iniiwasan ko nalang malapit sakin or maamoy tsaka di ko kinakain pag naimagine ko na di ko magugustuhan.. tas meron lang rin ako parating dala na parang mabango na something para pag may naamoy akong di ko gusto, may pangontra. pero recently, nawala yun... sana di na bumalik and sana di pa rin ako magsuka in the following weeks...
11w2d na po today pero may morning sickness parin. Super tinatamad lumabas at sa mga gawaing bahay 🥹😅 medyo nagmumove on na sa katamaran ng pagligo kahit papano. Maarte sa amoy ng niluluto pero kinakain ko naman wag lang maamoy habang niluluto. May time na antok na antok at may time na di naman makatulog, panay ihi rin 😅
13 weeks and 6 days kuna nagsusuka pa din anytime Basta kumain dpa din ako komportable after kumain. madalas din sinisikmura, minsan kabag, paminsan nakakaranas ng pagsakit ng ulo and dahil sa discomfort na mga nararamdaman ko dahil nga may gerd ako or acid reflux kaya hirap ako makatulog dahil laging may mga nararamdaman.
no morning sickness po, pero isa sa naexperience ko eh yung lower back pain ko or should I say pelvic girdle pain?(self diagnosed kasi yun yung specific part na nasakit sa akin before) manageable pain sya pero need to be cautious kasi baka maout of balance. naramdaman ko sya for a week, hirap ako bumangon every night.
11 weeks and 6 days. Grabe sensitive ko sa smell. Kada may maamoy akong d ko gusto suka agad. Ok naman ako sa pagkain basta di ko lang maamoy habang niluluto. Palaging nahihilo saka feeling ko ang tamad2 kong buntis. Ayokong naglalakad o mag labas2. Gusto ko lang laging nakakulong sa bahay.
mejo ok na ang tyan ko, nung 1st week hanggang 10th week ko grabe impatso and uncomfortable sa tyan pag kumain kahit anu. Ngayon pa 12weeks na mejo nagiging ok na sya, minsan lang din Suka ko tapos sakit ulo mas lamang yung impatso talaga hehe plus hirap mag poops
11 weeks today eto wala pa rin ganang kumaen, laki na binawas ng timbang ko. Na lessen na pagsusuka ko, hopefully after 1st trimester makakin na ako ng maayos. Pero ngayon kakaramdam ng pamamanhid sa kamay minsan sa tuhod at tamad na tamad pa rin ako gumalaw.
Camille Alagon