HINDI NA MASAYA

Hello mga ka TAP, kamusta relasyon nyo sa LIP/ husband/ wife nyo? Pano kung hindi na kayo masaya, laging away, laging sisihan, paulit- ulit nalang, tapos may anak kayo. Ano pong ginagawa nyo? Yes po, yung iba inaayos, pinag uusapan, pero hindi naman maiiwasan na mauulit ulet, yung tipong nakakasawa na. Pano po ginagawa nyo? Naisip nyo na ba mag hiwalay? Pano nyo naoovercome/ solusyonan? Wala namang third party involve, siguro sawa na kame sa ugali ng isa't- isa. #husband #wife #marriage #family #advicepls #pleasehelp #firsttimemom #FTM #firstmom #firstbaby #Pahingiadvice #pahelp

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kami ng husband ko everytime na nag aaway kami hindi kami natutulog ng magkahiwalay. di kami natutulog ng di ayos ang problema. Kahit nasasawa kapa sa araw-araw na mag aaway kayo ang pag hihiwalay ay di naman yan solusyon. Kase kaya nga ikaw nag asawa gusto mo yan hindi pwede na pag pagod kana bibitaw kana, hindi din pwede ibang tao ang sisihin mo kase ikaw ang pumili nyan kung bakit ka nandiyan sa estado na yan. 😅mahirap talaga mag asawa kaakibat ang away, selos at lahat. At isa pa yung sumpaan na ginawa niyo noong unang araw niyong kinasal o bago ikasal. Yan yung paulit ulit na gagawin mo sa araw-araw. At mag rereflect sa inyong asawa. Try niyo subukan ulit. ayusin

Magbasa pa

kailangan po ba laging masaya? natural na magkakainisan kaya. napapadalas? normal lang din pero hndi nyo hahayaan na ganon maging takbo nyo palagi. makipag usap sa partner at mag unawaan. timbangin nyo palagi kung worth it ba ang pinagtatalunan nyo. unawaan, pagpapakumbaba at communication kayo palagi. ganyan kami ng partner ko. kahit nakuha na namin ang isat isa. minsan nagkakainisan pa din sa maliliit na bagay. okay lang yun. iworkout nyo lang na maging masayang pamilya pa din kayo kahit may pagtatalo minsan

Magbasa pa

mag asawa ba kayo? ang mag asawa kaylangan nag papakumbaba. no need pataasan ng pride. dahil iisa nalang kayo.. its like whatever happens at the end of the day you will chose each other. pero kung wala kayong ganyan sa pag sasama nuo i think you need counseling.. do everything to make your marriage work.

Magbasa pa

Forgive each other's flaws and choose to love unconditionally ang solusyon sis. You chose him to be your partner in the first place so expect less and demand less from him to change based on your standards (vice versa).

ganyan ung ex ko. bumitaw ako nung inamin nya na nagkakagusto na sya sa iba after konmagtiis sa gnayang sitwasyon. so kahut ayusin mo kung hindi nya aayusin edi wala.alng din . maghihiwalay lang kayo

if masyado ng toxic hiwalay na lang. lalo na at may anak. Hindi maganda na lumaki ang bata sa toxic na environment.