13 Replies
Depende po sa company, samin po kasi pinapayagan kami na magleave 2months prior manganak (regular govt employee po) ang gagamitin lang is yung sick leave na naipon, saka lang magstart yung maternity leave na 105days pag nanganak na, so mga nasa 5-6months leave with pay yun basta marami ka pang naipong leave (bukod pa sa ML). Tapos prior yung leave pwede rin kausapin si OB para makahingi ng certification (lalo kung maselan ang pregnancy mo by 3rd trimester. Sa case ko kasi 30weeks, sick leave na ko agad due to psychologucal trauma, same due kasi ng pagbubuntis ko ng una yung pagbubuntis ko ngayon. and di kasi maganda yung sa 1st kasi stillbirth at 32weeks and nagwowork ako as a nurse) pero its up to you rin po if kaya mo po or hindi mommy.
ako nga 36 weeks magleave na first baby ko to wala lang gusto ko lang mafresh isip ko at isipin ang pag ire or ano pa man haha 😅 sarap sa bahay lang wala stress pag sa bahay ano man mang yare aware ka di mo din kasi masasabi kung kelan lalabas si baby . my friend ako na sept 1 ang due nya pero pumapasok pa sya ng Aug 20 ,at that time wala pa naman daw sya nararamdaman kaya pumapasok pa sya . Aug 20 papasok sya kaso nalate maya maya nung umwi sa bahay pumutok na panubigan nya na emergency cs sya kasi matutuyuan . be aware po mie and isipin si baby bago work iwan mo muna saglit ang career reflenish mo muna sarili mo at maging ready palagi ❤️🥰😘😘
Pwede kana po mag leave mommy. Para relax isip mo at hndi hapo ang katawan mo kapag nanganak kana. Mas need mo ang energy after manganak kaya isave mo yung pahinga mo, sulitin mo na mommy matulog ng straight hanggang wala pa si baby. Dahil pag labas ni Baby, wala kana magiging matinong tulog hehehe.
33 weeks ako nag leave mi, pero pinag sickness ako ni OB para bayad ni SSS. Then ang start talaga ng mat leave ko ay Sept 13. Wfh kba or onsite? kase if onsite at hndi na kaya much better po mag mat leave na isipin po natin si Baby. Ako kase hirap na bumyahe at stress na sa work.
trust your mother insticts po. what is your body telling you? madali ka lang mapapalitan ng company mo if ever, pero ang baby mo sa womb, hindi. ikaw lang po makakapagrepresent and makapagdecide for your baby. choose wisely. do what's best. God bless po. 😊
Siguro po observe mo if feeling mo kaya mo pa magwork and di ka maselan, pwede naman around 38 weeks para rin sulit time niyo ni baby. Always safety muna priority. Keep safe, mommy!
pwede nmn mie. aq kse mas prefer ko once manganak na pra masulit ko ung maternity leave na Anjan na si baby. tsaka pra longer Ang leave after manganak
pwede naman po early leave..kaya lang mommy, hindi mo masusulit time mo kay baby, by the time mag one month siya pabalik ka na sa work.
36weeks ako nakaplan magleave, kasi wfh naman setup. Depende pa din sayo. Listen to your body.
sabi ng HR po namin, pwede mag start ang matleave as early as 45 days prior to delivery po
Anonymous