FTM here, question po sa diapers

Hi mga ka-mommy, bumili na po ko ng newborn diapers, pero 2 packs lang muna. Sabi kasi ng mama ko, mabilis lang daw lumaki si baby pag nailabas ko na. Gaano po kaya kabilis yung paglaki nila? I mean, okay na po kaya ang 2 packs ng newborn size diapers tapos shift na po kami into small size diapers pagkaubos nung 2 packs? Nagpprepare na po kasi kami ng gamit. Baka biglang kulangin yung 2 packs. #1stimemom #pregnancy #advicepls #pleasehelp #firstbaby

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi mommy, ftm din ako and nakikinig din ako sa advice ng mama ko hehe tama si mama mo na mabilis lumaki ang baby kaya no need masyado bumili ng madaming newborn diapers kasi baka masayang. okay na yung 2packs ng newborn diaper, bili ka nalang ulit if kukulangin yung gagamitin mo. yung sizes ng diaper ay depende din kung gaano na kabigat si baby nakaindicate yun sa pack ng diaper if nagincrease na yung weight ni baby or kapag feeling mo di na kasya yung newborn size sa kanya dun na yung time na pwede ka mag switch sa ibang size ng diaper

Magbasa pa
2y ago

thank you, mommy. ❤️

Depende po kasi mi kung mabilis po mag gain ng weight ang baby mo. Sa case ng baby ko after a month sya nagpalit from newborn to small.

2y ago

thank you po 😍