Postpartum sadness 💔

Hello mga ka-mommies. Just want to share my roller coaster feelings right now. 10 days old na si LO and nakakaramdam ako ng sobrang sadness. Andito kami ngayon sa bahay ng parents ko, btw my mother died 2 weeks after nya malaman na preggy ako (1st apo nya sana, 1st time mom din ako, and super close kami ng mommy ko) Nagdecide kami ng asawa ko na dito muna ko para magpaguide sa mga tita and other older women dito samin regarding sa pag aalaga kay baby. Ngayon po lagi ako nalulungkot dahil bawat sulok ng bahay na to naaalala ko ang mommy ko, kaya nakiusap ako sa husband ko na iuwi na kami ni LO sa bahay namin. Feeling ko pag nagtagal pa kami dito lalo lang ako makakaramdam ng lungkot. Normal lang po ba tong nararamdaman ko? Ano po bang dapat kong gawin to avoid being sad? 😢#advicepls #1stimemom

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I think it's normal po lalo na andyan pa kayo sa bahay ng parents mo. Magfocus ka na lang po muna sa baby mo momsh or try doing something po na malilibang ka. Or if talagang makakagaan yung pagbalik nyo sa bahay mo, then go basta sure ka na kaya mo alagaan si baby ng kayo lang ng asawa mo. Almost same tayo momsh, my dad died a month before ako manganak at hindi ko man lang siya nakita since nasa province ang parents ko at hindi ako makabyahe dahil 8 months preggy ako nun and my OB advised na pwede ako maglabor habang nasa byahe (by land). Mahirap pero kailangan naten tanggapin na wala na sila, think positive na lang po and isipin na lang na okay sila kung san man sila naroroon ngayon. It's okay to cry momsh, wag mo ipunin lahat sa dibdib mo every time na makakaramdam ka ng sadness. After mo umiyak, focus ka na ulit sa pagiging mommy sa baby mo. Everything will be alright.

Magbasa pa