STRUGGLES OF A NAUSEOUS FTM

Hi mga ka-First-Time Mommies! 8 weeks na po ako ang also a working mom (bank industry) Sobrang nagsstrugle po ako sa morning sickness, pagkahilo at pagsusuka ko, I know it’s very normal po sa pregnant women pero please help me out po para malessen ang hilo at pagsusuka ko kasi lalo pong lumalala pag nagtetake ako ng folic and other vitamins and in result hindi ko po kinakaya magwork unless magskip ako sa vitamins ko. Nasa point po ako ngayon na inihinto ko temporarily yung mga iniinon kong vitamins para lang makapasok sa work pero sobrang naguguilty po ako kasi baka makaapekto kay baby pag tinuloy tuloy kong hindi magtake ng vitamins. Ano po usually ginagawa nyo para mainom yung vitamins kahit suka kayo nang suka? Any tips or help will be appreciated po, please help me out 🙏 Thank you in advance mommies! #FTM #nausea #morningsickness

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same po Sakin 13 weeks na Ako, pero nag leave po Ako sa work ko,Kasi Hindi ko po kaya pumasok lalo na maselan po Ako mag buntis, since na miscarriage na po Ako last 2023, kaya Medyo takot pa po Ako Ngayon, double ingat po talaga Ako Ngayon, iniwan ko Muna pang samantala Ang work ko,para makaiwas sa pagod,at byahe araw araw na naging sanhi Ng miscarriage ko before.. nakakapag pahinga ka sa bahay lalo na kapag nasa stage Tayo Ng paglilihi,pagsuka at pagkahilo na gagawa natin Yung mga remedies sa bahay,mahirap tlaga sa work.

Magbasa pa