same po Sakin 13 weeks na Ako, pero nag leave po Ako sa work ko,Kasi Hindi ko po kaya pumasok lalo na maselan po Ako mag buntis, since na miscarriage na po Ako last 2023, kaya Medyo takot pa po Ako Ngayon, double ingat po talaga Ako Ngayon, iniwan ko Muna pang samantala Ang work ko,para makaiwas sa pagod,at byahe araw araw na naging sanhi Ng miscarriage ko before.. nakakapag pahinga ka sa bahay lalo na kapag nasa stage Tayo Ng paglilihi,pagsuka at pagkahilo na gagawa natin Yung mga remedies sa bahay,mahirap tlaga sa work.
Ung food intake mo din po, imbes na 3x a day hatiin nyo into 4-5 times pero dapat ung dami ng food is based pa din sa 3x a day na meal mo.. Sa morning ka mag focus, ung breakfast mo hatiin mo muna tas pag nakarating ka na sa work mo dun mo na lang tapusin ung natira.. wag ka magtake ng vitamins na di ka pa kumakain except pag ferrous na ang ipapa take sayo... dala ka lagi something sweet like candy or chocolate pag na feel mo ng nasusuka ka.
Wag po ninyo ihinto ung vitamins lalo naa developing age po kyo. Ako ganyan rin nung first trimester ko ang kgbdhn lng s gabi ako inaatake ng pagsusuka sa pagkahilo ko nmn s tanghali. Pinainom s akin bonamine para sa pagkahilo sa nausea hinyaan ko ng sumuka nagcandy n lang ako ako byahe lalo n at driving ako. Lagi lang may laman tyan mo at para di ka ganun masuka o may isusuka ka kaht papaano.
if nireseta ni OB niyo ay nasusuka ka, tell your OB to change your vitamins po. my OB told me to tell her if nasusuka ako. obimin plus gamit ko (sa first pregnancy ko ito) sa 2nd pregnancy ko naman, nasusuka naman ako, twice ako nagchange ng vitamins, obimin plus una, then OB Max. naging okay ako sa OB Max. then may dala ako palagi na candy or flat tops kapag feeling ko nasusuka ako
Hakbangan mo si Hubby mo para siya ang maglihi. Nakatulong sa akin un tho kawawa si Hubby pero sa nature ng work ko na palaging travel mas okay na di ko nararanasan ung mga morning sickness. And malaking tulong siya kase na surpass ko ang first trimester na parang di ako buntis. Try mo mamsh. Seryoso po.
1st trimester ko ngayon..matatapos na pero grabe parin hilo at suka minsan inaabot ng 3 days sama s pakirmdam..kapag nasa byahe my baon akong tamarind candy effective nmn sakin ndi nako nasusuka..tapos folic gabi ko iniinom , pansin ko rin n kapag umaga inumin pagdating tanghali lalo ako nahihilo...
Same miii, sa bank din working. 2nd trimester me now. Kumakain ako ng skyflakes. Pinipilit kong may laman kahit konti yung tyan ko kasi kapag gutom, nasusuka pa din.. tiisin mo muna na wag gumamit ng katinko. Di kasi nirecommend ng ob ko yun, vicks lang daw tapos konting konting pahid or amoy lang
same mommy. ang ginagawa ko po tinetake ko pre natal vitamins (obimin) sa gabi kse un po tlga nakakapagpasuka skn. ang pang inom ko not water but hot to warm milo, it really helps di ako masuka. then kain agad frozen jelly ace. di ko na mafeel nausea ko
always bring candy, kng nde naman syado mahigpit po sa work mo, try asking if pde to avoid lang kamo ung pagsusuka feel mo, d q sure if gagana sau kc ibaiba dn po kc tau pag nagbubuntis, pero skin candy helps pag me candy sa bibig q
Hello, bank din ako nagwowork.First to second tri ako nagsusuka kumakain lang ako fruits kapag nasusuka ako.Tapos observe mo sarili mo kung ano natrtrigger ng nausea mo. Yung vitamins inumin mo once di kana nakafeel ng suka.