Fetal movements

Hello mga ka-April EDD. Mag 8 mos napo ako this Feb 16. Sa mga ka same kopong months, dumalang din po ba pag sipa ni baby ninyo? Ang lagi ko po na ffeel pag day time is prng pag ikot nya tapos naninigas or bmubukol pero nwwala dn naman. May kicks pero hndi madalas. Ano po experiences ninyo at this month ninyo? Salamat po 😇🙏🏻

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Feb.17 8months narin kami ni baby pero dapat mii mas malakas na likot ni baby since mas malaki na sya ngayon tsaka mas alert na sya kasi nakakarinig na sya ng sound outside..pero iba iba kasi baby eh gaya sakin boy..sobra ligalig kahit nakatayo ako or may ibang ginagawa sobrang likot talaga as in..pero natutuwa naman ako kasi sure na sa morning sya gising tapos di sya malikot sa gabi kaya masarap din tulog ko unlike nung 6months kami puyat ako kasi sa madaling araw sya gising..tipong kinakalabit nya yung kama sa tagiliran ko 🤣🤣 ngayon ito halos tanggalan na ko ng ribs 😂😂

Magbasa pa
2y ago

sakin 29 weeks na..mas lumakas pagsipa nya🥰

same mi, mag 8 months na din this 2nd week of feb. Ganyan na ganyan dn nafefeel ko, maninigas tas bumunukol siya, most of the time sa right side ko siya nasiksik, and nafefeel ko yung head niya. tas sa bandang lower left side dun ko nafefeel yung mga kicks niya, at sobrang madalas na talaga ang pag galaw ni baby. Feeling ko pumepwesto na siya ng position. last ultrasound ko kasi naka breech position siya.

Magbasa pa
2y ago

Last ko dn pong ultrasound baka breech sya baka kay po naikot ikot!

Uu feb 15 8 months na din kami ni baby...dumalang ang kanyang galaw peru more more bukul and tigas merun man movements peru tuwing bubukul lang sya siguru nga ay naghahanap ng pwestu...madalang movements more on tigas and bukul...

2y ago

same tayo mamsh

Same. Madalang ko lang maramdaman kicks ni bb ko, Anterior placenta kase ako normal na hndi gaano feel kicks ni baby. Pero araw araw active, nagang likot then nagang bukol. April 19 EDD ko.

2y ago

same tayo Mommy Anterior din po ako 🤗 madalang pero pag gumalaw ang lakas hehe

8 months n din po...Kung kelan palapit na dun sya umikot ,from cephalic to transverse position 🥲 mga miie any advice Naman po para bumalik syà sa cephalic..thank you po

Feb 12 8 months na po same po 🤗 may times wala ako nafefeel kaya nakaka worry pero pag gumalaw siya nag wawave sa tiyan ko at naninigas sa ilamg part at bumubukol hihi

ako din 8 months na pero same parin, minsan nga umaalog pa sya, natatawa nga partner q kac kahit medjo malayo sya nakikita nya parin pag along Ng tyan q😅

momshie ask ko lang kung kelan lmp mo? naguguluhan kasi ako sa bilang April din edd ko pero sa bilang ko 7 months palang si baby. pa notice po salamats!

2y ago

Ako din po hehe LMP ko July 7, edd ko is Apr 13 based sa 1st ultrasound un po cguro ung 40thweek ...8 mos napo ako sa feb 16

Ganyan rin napapansin ko kay baby mii mag 8 months na kami bukas Feb. 06, madalang na yung galaw nya pero pag gumalaw sya sunod sunod naman

ganyan din ako feb 22 pa ako mag 8 months, lagi nlng gumagalaw at naninigas. masakit yung kicks niya sa bandang ribs mapa aray ka nlng. 😁😁

Related Articles