Naniniwala ka ba sa bisa ng bakuna?
Mga Inay, paano kayo nakasisiguro na protektado ang anak ninyo laban sa mapanganib at mapag-bantang mga sakit? Ako kasi maliban sa mga vitamins at supplement na binibigay ko sa anak ko para mapanatili siyang healthy at hindi sakitin, BAKUNA talaga ang number one na kasangga namin kontra sa kahit na ano mang sakit na maaari niyang makuha habang lumalaki. Ito talaga ang pinakapanatag ako na kapag nabakunahan siya ligtas siya at masasabi kong healthy si bagets. Sa unang larawan, tinirukan si Gien ng kanyang DPT-Hep B-HiB vaccine o mas kilala sa terminong Pentavalent Vaccine at Pneumococcal Conjugate Vaccine o kaya'y PCV. Ito yung moment na talagang ako yung maiiyak kasi kabilaang hita siya tinurukan. Yung takot at pag-aalala ko dahil masakit nga naman talaga, ay mas nangibabaw at nanalig sa goal ko na mapanatili siyang ligtas sa mga sakit. Mas nag-focus ako sa ideyang lifetime assurance na para mapanatili siyang healthy at hindi sakitin. Before the pandemic, sa center talaga kami dumideretso kapag schedule ni Gien sa kanyang bakuna. Iniiwasan kong madelay o kaya'y makaligtaan ito. Buti nalang at kahit nagka-pandemic, mapalad kami at kapit-bahay lang namin ang isa sa mga Barangay Health Worker na talaga namang ina-update ako from time to time sa bakuna ni baby. Hindi narin namin kailangan pumunta sa health center kasi sila na mismo ang pumupunta dito sa amin para sa bakuna. Ang sarap isipin na naililigtas ko ang aking anak laban sa kahit na anong mapanganib na sakit dahil lamang sa isang wais at matalinong desisyon na pabakunahan siya. Naniniwala ka rin ba sa sa bisa ng bakuna? Sali na sa Team BakuNanay ➡️ https://www.facebook.com/groups/bakunanay at huwag kalimutang sagutin ang 3 membership questions! #TeamBakuNanay #HealthierPilipinas #AllAboutBakuna #ProudToBeBakuNanay #AllAboutVaccines