SSS matben 1

Meron po ba same situation ko? Nagpasa na ako ng requirements for MatBen 1 sa employer ko nung March 2023 pa. Pero til now, wala pa akong nareceive na notification from SSS. Nag follow up ako sa employer ko nung June at sabi, nasubmit na daw. Nag antay ako ng 1 month, baka kasi in processing pa pero wala pa rin. Tumawag ako kay SSS to check the status and claim nila, wala pa daw nasa submit? So bumalik ako kay employer and they insisted na bumalik na.. so tumawag na naman ako kay SSS at same din sabi nila, wala pa daw. Advised sa akin, send ko screenshot ng maternity notification taken from online SSS portal proof na wala pa. So bumalik na naman ako kay employer. Si employer, nagsend din ng screenshot na proof na nasubmit na yung requirements sa sss. Nahihilo na ako. October 3 ang due date ko pero baka September pa lang, manganak na ako dahil repeat CS ako. Ano po kaya magandang gawin dito? Nagtuturuan kasi sila. #advicepls

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Since employed ka po si employer po talaga ang mag send ng notification for mat 1. In my case po nakapag submit ako ng requirements kay employer and nag file sila kagad naka received po ako ng notif na sucessfully notified na si SSS email confirmation mismo kay sss. Pwede mo din itong ma check sa web browser log in lang po kayo sa sss account under eligibility > sickness/maternity ben. If confirmed na hnd pa po nakapag comply si Employer kay SSS kindly CC dole sa email. Mabilis pa yan sila sa kangaroo for sure. Ask mo din po mommy if nag aadvance po si employer kasi mostly po yes. 1 month bago ang due date dapat maibigay na po nila sayo ng buo.

Magbasa pa
2y ago

may sinend po sila sa akin na screenshot na nasubmit na (taken from employer SSS portal) sinubmit daw nila pagkapasa ko ng requirements. si sss naman, ang claim wala pa daw nareceive