Vaccination Recommendation

Meron po ba rito na nakunan at nabuntis ulit agad at ngpabakuna against Covid19? Kamusta po? Nirecommend po ba ng OB nyo na mgpabakuna po kayo or ginusto nyo po? FTM here and nakunan ako nung March and now I'm pregnant again at 30weeks😇. My first OB from manila told me saka nlg mgpabakuna pagkatapos nlg manganak at mg-anti flu vaccine nlg muna but now ung ob ko here sa province namin eh nirerecommend nya na mgpabakuna ako against covid19 at binigyan nya na aq ng medcert. Pls enlighten me po. Natatakot po kc ako pra s baby ko can't afford to lose one again. 🥺#advicepls #1stimemom #pregnancy

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi contraindication ang pregnancy in getting COVID vaccine. Theres even evidence na nakikita antibodies sa cord blood so most likely napapasa kay baby. Mas delikado sa buntis ang ma-contract ang COVID. But syempre choice mo yan. I suggest hanap ka ng mga scientific paper/studies re getting vaccine na similar situation mo so you can make an informed decision. I usually search sa scholar.google.com and read kahit mga abstract lang or yung pinak summary ng study.

Magbasa pa

Ganyan din po ako dati momshie hesitant ako mgpa covax kaso inadvice ng oby ko sabi ko nga kung pwede flu vax nlng muna sabi nya sa ngayon kelangan dw ng katawan ntin un covid vaxx tgal din bago nakapag decide hnggat sa nag decide narin ako 33 weeks preggy nko nagpa vaxx.. hahanapan ka tlga ng med cert. bgo ka vaccinan. Pero it's really up to you momshie God bless sa journey natin mga preggy momsh.. 😊

Magbasa pa

Nakunan din po ako noon at nabuntis ulit. Nirecommend din sakin ni ob na magpa vaccine sa covid. Alam ko safe siya sa buntis, at walang kinalaman sa pagkakunan, ako lang talaga ang may ayaw dahil sa trauma ko na baka mawala nanaman ang baby ko. Naging maingat nalang ako at hindi naglalabas hnggng manganak. Aftr ko manganak, pgka 1month tska ako nagpavaccine.

Magbasa pa
VIP Member

Ako po 6months nagpa vaccine. Nag ask ako sa OB if pwede nako magpa vaccine, sabi nya pwede kung gugustuhin ko since preggy ako mas delikado sa covid. Binigyan nya ko schedule ng covid19 vaccine. moderna po ang brand, and wala ako naramdaman hindi ako nilagnat except sa pakiramdam na mabigat lang yung braso ko. Ang nakunan din po pala ako lastyear

Magbasa pa

Hello sis, ako nakapagpavaccine bago ko malaman na buntis pla ako, iregular kasi period ko.. Sept. Nung fully vaccinated ako tpos oct. Nalaman ko na buntis ako.. Nagtanong ako sa dr. Ok lng nmn dw, may mga ganitong case din sa akin na hnd alam na buntis pero ok nmn baby nila.. As of now sis ok nmn ako at ang baby ko ❤️

Magbasa pa
VIP Member

Pregnant women can get the vaccine with precaution, given that there is limited data on pregnant women from clinical studies. If a pregnant woman is part of a group recommended for vaccination, vaccination can be offered. It is advised to get the vaccine after the 1st trimester of pregnancy.

Update: Nagpafirst doze na po ako nung Jan.6 at 33weeks grabe ung kaba. Pfizer. Ok nmn po ako hnd rin nilagnat or inubo sipon. Kaso, nung 30weeks and up my lumalabas ng milk s breast ko after vaccination wla na. Totoo po kaya ug sabi ng iba na matutuyo rw po ung breast pg nagpavaccine???

Ako 1month paLng nag pa 1st dose nako diko aLam na buntis na paLa ako. Bawal daw un pag 1st trimester dpat 7month bago manganak kac maraming nag papositive na buntis kawawa pag nahawa c baby 😔. Keepsafe mga kamomma 🥰🥰🥰

Nirecommend din ng OB ko magpa covid vaccine pero since ayaw ni husband sa ngayon,nagpa flu vaccine na lang ako at pumayag naman si OB kasi hindi naman daw sapilitan na magpa covid vaccine. Choice mo pa rin yan mamsh.

ate ko advice sa kanya ng perinatologist (specialist sa fetus development) Sinovac ipa vaccine nya, yun daw pinaka safe for baby and pregnant.