Hi. Meron po ba kong kapareho dito? Ask ko lang kung normal lang ba talaga or menstruation na? Please refer below.
2 months na po since nanganak ako. Around 8wks po meron pa po ako post partum bleed then nung mga sumunod na weeks, light bleed na lang ung tipong pahabol na menstruation. Tapos recently lang, nag cramps ako na same pain sa regular menstruation. Upon checking ko sa underwear, may light bleed. Combination ng clear white discharge and blood kaya di ganun katingkad ang reddish color.
By the way, exclusively breastfeeding po ako. No sexual contact since nanganak ako. Sa Lying in clinic lang po ako nanganak. Midwives lang po nagpaanak.
Hindi pa ko makapagpa appointment sa OB dito dahil nag aantay pa ko ng makakatuwang ng asawa ko na mag alaga sa mga anak namin (toddler + infant).
Thank you sa sasagot! ❤️