wedding budget

Meron po ba dito nagpakasal sa attorney? Tanong ko lang po, magkano po budget niyo? At budget niyo po sa pagkain para sa mga bisita, pati narin po sa mga souvenirs. Nagbabalak na po kasi kami ni hubby (ulit🤣), mag gcq lang dito sa lugar namin mag aasikaso na kami.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

mas maganda po kung sa locality po kayo magtanong tanong kasi it varies po sa kung nasa city or nasa rural area po. yung food naman po depende sa bilang ng kakain at menu. nakaka overwhelm po talaga mag asikaso kami din po nag cacanvas we're expecting 10-15k kasama na mga isusot naming magpartner pati ng baby namin. we live in the city kaya expected namin na mahal ang food na para sa at least 10pax (take out party food kasi walang makakapagsabi kailan luluwag ang restrictions for restos) for family and yung dalawang witness namin (pandemic kaya we're limiting to two lang yun naman ang basic requirement). sa food balak namin 5 dishes, cake, and juice/soda (liquor ban samin). sa souvenirs naman, depende din po sa taste ninyong magpartner sa amin po gusto namin yung magagamit ng pagbibigyan, possibly hygiene kit po or reusable cutlery set.

Magbasa pa