Meron po ba dito na exclusive formula feeding since newborn si baby nyo? Sobra nai-stress ako kasi di ako makapag produce ng enough milk for my baby. Nag try ako mag mixed feeding nung 1st month nya pero mas marami pa rin ung formula, pero after a month mas humina ung supply ko to the point na 2oz na lang napa-pump ko sa isang araw. Ayaw mag latch sakin ni baby kasi nasanay sya sa bottle feeding. Nag try na ko ng kung anu-anong supplement like malunggay capsule, M2 tea, Galacto bombs treats, Mother Nurture and so on. Bumili pa ko ng mag expensive breast pumps pero wala ni isa ang nag work sakin. Nagpa massage na rin ako. Ginawa ko na lahat pero wala and now turning 2 months na si LO, I decided to finally stop. Di na kaya ng mental health ko ung stress at pagod kaka pump pero wala talaga. Di na rin tumitigas ung boobs ko unlike nung nakakapag pump pa ko ng madami nung una. Soon, I'll be going back to work na since I am currently on maternity leave lang, napaka iyakin ni LO at di sya natutulog nang nakahiga or sa duyan ayaw nya kaya di ko rin magawa ung pump 6x a day or even power pump. Working si partner kaya ako talaga toka sa kanya.
Please help, may mga exclusive formula feeding din po ba dito gaya ko? Kamusta po ang baby nyo?
Please stop the stigma. We are all wonderful moms. Sana matapos na ung pagsasabi na "magastos ang formula. Mas okay pa rin ung breastmilk." Alam ko po pero wala na akong magawa. Feeling ko konti na lang madedepress na ko dahil sa breastmilk na yan kasi ako mismo gustong gusto ko ipa-inom sa anak ko ay galing sakin. Pero wala. :(
#advicepls #firsttimemom #FormulaFedBabies