karapatan ng mga bata
Meron po ako LIP sa mahabang taon. Pero iniwan kami at pinagpalit sa mas batang babae. OFW sila pareho. Maniniwala po ba kayo na nasa canada at working visa dun pero wala sya naipapadala ng ilang buwan na. Wala daw kase sya trabaho dun. Nagenrol panganay namin, galing sa magulang nia pinambayad. Dumedede ang bunso. Kahit nagkakasakit mga bata d sya nagpadala. Nakunan ako sa bunso namin d din sya nagbigay. Na hospital kelan lang yun anak ko at nag1st bday wala lang din. Wala daw sya pera. Nagbibigay magulang nia panggatas at pangbaon ng panganay kahit papaano. Pero d pa din po sapat. Pwede nko magtrabaho sana kase nakabawi na din katawan ko sa pagkawala ng pinagbubuntis ko pero wala magaalaga sa baby ko. Gusto ko sana magfile ng RA9262 para sa mga bata. Sa lagay nageenjoy sila pareho habang naghihirap mga bata lali na at naghahanap pa lang ako trabaho kaso nahihirapan din ako makapasok dahil sa age ko. D bali sana kung nasa pinas lang sya at alam ko wala kakayahan talaga e. Kaso nasa canada sya, anu ginagawa nia dun kung wala sya trabaho gaya ng sinasabi nia palagi. Isa pa po, may kontrata sya dun pero fake lang. Para lang magamit nya working visa pero puro under the table sya dun. Salamat po