31 Replies

kung yung maximum na hulog o kung malaki ang monthly contribution nyo po 70K po ang maximum benefit na makukuha. As per 105 days expanded maternity benefit pwede mo ipasa yung maximum of 7 days sa asawa mo. halimbawa pinasa mo yung 5 days hindi mo makukuha yung maximum na 70K mababawasan sya mapupunta kay mister. yun ay kung nag allocate ka sa mister mo ng leave credits pero kung hindi naman eh makukuha mo ng buo yun 70K basta malaki ang hulog mo monthly.

ang pagkakasabi po kasi sakin ng HR namin make credit kay mister yung leave at money. tinanong ko din sa sss officer sabi mababawasan din yung pera kay mister mapupunta. malalaman ko yan kasi kakapasa lang ng MAT2 ko.

56k fixed from SSS - rate ng normal na contribution and kung hindi kayo mag ttransfer ng leave sa husband. Then yung salary differential ibibigay ng company mo depende sa basic salary mo. Let’s say basic salary mo is 30k, you’ll get 105k minus mga tax for 3.5 months. Below 30k salary ko po and nag pasa leave pa ako sa husband ko, nakakuha ako ng 84k in full 2 weeks ago - due ko is July 17.

ako mam nka full na 2400 ang hulog tas 20k basic ko.. mga magkano sakin mam? panu icocompute ung salary diff.?

VIP Member

Max contribution po monthly=2400 equivalent to 70k, If employed kalahati muna makukuha mo sa employer then to follow nalang yung half kapag nakapagpasa kana ng MAT2. Employer mo maglalakad niyan. Pero kung voluntary, wait until makapanganak ka saka mo ilakad. Still depende parin kung magkano ang monthly contribution mo na pasok sa qualifying period for matben

eto po momshie basahin nyo po meron din sample computation dyan pakicheck na lang po. icheck nyo sa sss website yung contributions nyo gayahin nyo na lang format ng pagkaka compute.. https://moneygment.ph/2020/04/sssmaternityleavelaw/#:~:text=11210%20(RA%2011210)%2C%20also,as%20to%20assume%20maternal%20roles.

Sakin kasi sa ss ko kinompute. 27 months ang total ng contribution ko sa sss. Tapos maternity benefit ko kay nasa 57k. I think nakadepende sa total ng contribution mo sa sss. Hindi sa magkano nahuhulog mo per month. Sguro kong naka 36months ka ng naghuhulog sa sss don mo sguro makukuha yong 70k.

maximum contribution po dpat ay 2400 pra makakuha ng 70k

Hello po. Pano po yung akin nasa 400 lang po ung monthly contribution ko mejo mababa compared sa mga nabasa ko sa comment box. Maliit lang din kase monthly salary ko. Magkano po kaya pwede ko makuha? 2years employed na po ako. Sana may makasagot. Maraming salamat mga mommies ❣

Kung may employer ka total of 600 ang contri mo, tapos ang monthly salary mo nagrange ng 5000 bale ang makuha mo more or less 17k.

pag yung hulog mo po sa sss 600 a month hanggang sa makapanganak kapo ,20 to 30k po .kasi yung kawork kopo 600 a month hulog nya nakakuha po sya ng 30k 😊 pero kalahati lang po muna ,kasi yung kalahati po nun makukuha mo kapag nakapag pasa kana ng mat 2 😊

sa experience ko.. nakuha ko 70k wala pang 1 month after giving birth tas yung company namin 60days lang ang paid leave namin sa 105days so meaning 45days no pay na ako. paliwanag nila sss ang magpasweldo at kasama na yun sa nakuha kong 70k..

VIP Member

So far momsh sa mga nababasa at nakakausap ko waiting pa daw IRR ang SSS para sa EMB na 105 days. Max of P70,000 ang makukuha if applicable na yun based on the maximum monthly salary credit 😉

Thank you sis. Sobrang nakatulong. Mag inquire nlang din ako sa sss

Sa pagkakaalam ko if 2400 monthly contribution mo makukuha mo ung 70k. Sakin kase 600 lang a month ang kaltas sakin ng company ko, pina compute ko matben ko 32k..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles