Meron na ba sa inyo na nagkaroon ang baby ng tinatawag nila na "tigdas hangin"? If meron na, anu po ginawa nyo?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baby ko nagka-tigdas hangin 2 weeks before ng birthday nya. I'm worried that time kasi lapit na birthday nya at nagkasakit pa sya. 3 consecutive nights sya nagkalagnat, sa umaga masigla naman sya at sinat lang pero sa gabi dun sya nilalagnat. Until nung day 3 pinacheck-up ko na kay pedia sabi tigdas hangin nga at may nakapang kulani sa may tenga. Sabi lalabas yung rashes kinabukasan. Nagsimula na lumabas rashes sa may likod nung pag-check-up sa kanya. Paglabas ng rashes hindi na sya nilagnat. Paracetamol at continue ko lang pag-breastfeed ginawa ko sa kanya tapos punas punas nung nilalagnat sya.

Magbasa pa