Baby movements

Meron din ba dito halos buong araw kang gcng tas hindi maramdaman ang galaw ni baby.. Mag 8mos nako.. I'm always worried.. Pero may heartbeat naman sya pag pinapakinggan ko sa heart rate monitor

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mamsh don't worry po kasi mas lamang talaga ang time na tulog si baby kaya di natin nararamdaman. Nung 8 months din ako lagi ako nagwoworry pag di nararamdaman si baby. Ang gawin mo po ay pili ka ng oras na usually active at gising si baby. Sa akin po, pagtapos kumain yun halimbawa after breakfast, lunch, dinner. Tapos bilangin mo po movements nya within 2 hours, dapat po maka 6-10 movements si baby. May kick/movements counter po dito sa app, pwede nyo po gamitin. Another tip po, pinakamagalaw si baby pag nakahiga ako patagilid sa left kaya doon po ako nagsstart count. Hawakan mo po belly mo mamsh para mas ramdam mo po yung movements. Kung very weak po talaga yung movements at halos wala po talaga kayo maramdaman within 2 hours, contact your OB na po. God bless mamsh! πŸ™πŸ»

Magbasa pa

As per my OB, pag 8months ka mas ramdam ang movements ni baby since mas may muscles at fats na sya. you may consult your ob.. never nawala ang movements ni baby ko nung buntis ako sa 2nd pero sa 1st ko 32weeks nawala di ko nafeel ng half day lang tumakbo na ko sa ob ko ending stillbirth na pala. chineck ko rin heart rate ng baby ko nun sabi ko ok may narinig ako, pero heart beat ko pla yung narinig namin ni hubby. pareho pa kaming nurse ng hubby ko. take note, yung nadedetect ng home fetal doppler minsan di yung fetal heart rate lang, pwedeng pulso mo, o ng placenta o yung galaw ng bituka kaya di nirereco ang fetal doppler ng most OB po sa bahay lalo at di po trained to use it. best oa rin sa ob dumiretso kung may di ok kang kutob. Godbless you at si baby.

Magbasa pa
VIP Member

Before ba magalaw naman sya? Then bigla nalang di na ganon kagalaw? Or di sya talaga masyado magalaw to begin with? If as in kahit konting galaw hindi mo nafeel sa buong maghapon, pacheck ka na agad mi. Sa experience ko kasi lesser talaga galaw nung around 8months na pero sa isang oras gagalaw at gagalaw talaga sya. Also pag tinusok tusok mo yung tyan, gagalaw din dapat sya. Home doppler kasi medyo di din accurate. Kaya dati pag di masyadong active si baby napapatakbo agad ako para magpa utz e. Sana okay lang si baby mo mi πŸ™πŸ»

Magbasa pa

8 months na rin ako momsh pero si baby malikot pa rin. May ibang galaw lng sya na hindi na kasinglakas tulad ng dati pero normal yun kasi nga less na ang space nya sa loob ng tiyan pero pansin ko now mas ramdam ko ang parang body parts nya talaga everytime gumagalaw sya. And inaadvice rin po talaga na always imonitor ang fetal movement ni baby. Kahit po ba after meals nyo wla syang movement? Pls contact your OB na po momsh para sure po kayo and hindi na magworry. God bless po.

Magbasa pa
1y ago

ganyan ako sa pinagbubuntis ko last 2021...monitor mo palagi mam kasi yung baby ko nawala sya a day ngpinanganak ko na sya. nawala ng heartbit

8 months na rin ako momsh pero si baby malikot pa rin. May ibang galaw lng sya na hindi na kasinglakas tulad ng dati pero normal yun kasi nga less na ang space nya sa loob ng tiyan pero pansin ko now mas ramdam ko ang parang body parts nya talaga everytime gumagalaw sya. And inaadvice rin po talaga na always imonitor ang fetal movement ni baby. Kahit po ba after meals nyo wla syang movement? Pls contact your OB na po momsh para sure po kayo and hindi na magworry. God bless po.

Magbasa pa

lagi mo iinform si OB lalo na kung worried ka mii.. mas ok yung kampante ka kaysa ganyan... dapat maka at least 10kicks for 2hrs si baby pag gising siya... pag gising si baby mii hindi naman buong araw yan gising ... natutulog din yan si baby... pag naramdaman mo gising siya saka ka mag start mag count .. pag onti ang kicks kelangan alam ni OB ..

Magbasa pa

baka anterior placenta ka po? 8mos nako sobrang likot pa rin ni baby, medyo masakit na nga movements niya.. kahit after niyo po kumain hindi po siya gumagalaw or inom ng malamig na tubig? it's important to monitor the movements sabihin mo po sa OB mo na hindi mo maramdaman galaw niya, sabi kac ng OB ko it's not normal na hindi gumagalaw

Magbasa pa

Super likot din ng bb ko miii pero pagdating namin 8 months medyo nalessen.. feeling ko d nya na kaya magiikot sa sikip pero makislot padin sya . magpaconsult po kayo s aob or request utz if nakaka worried na po ang absence ng paggalaw nya

8months na din ako mii,33 weeks pero ramdam ko nman sya gumagalaw. Di na nga lang ganon kalakas. Siguro kase masikip na sa loob. Plus kung anterior placenta ka di mo tlga sya masyado mararamdaman unlike sa Posterior na ramdam tlga.

nakaibabaw siguro placenta mo kaya di mo ramdam galaw ni baby kasi nahaharangan ni placenta try mo tignan ultrasound tas position ng placenta, search mo meaning ng position ng placenta sa google😁