My SONshine after the storm😍❤️

Meet my Zack Ethan 👶🤱👼 EDD: LMP and 1st UTZ December 19 DOB: December 14, 2020 TOB: 1:43pm Weight : 4kilos😩 39 weeks 2 days Ako naman magshe-share mga momsh😊 December 12 ng 10:30pm bumulwak dugo ko at tumagas sa hita. Dali dali ako naglinis at nag prepare ng gamit namin ni LO para maka pag check in sa lying in😂 (check in?? 😂). IE si midwife pero 1-2cm pa daw at di pa bumababa si baby. So I decided to go home muna pero iniwan ko na mga gamit namin thinking magpo-progress in few hours. Ay aba! Nung nakatulog na ako nahimbing pa ako💤. Ibig sabihin di nag progress ang pain at unti2 nalang ang dugo lumalabas. December 13 naglakad2 kami ng mga anak ko para ma exercise na rin. Bumili kami pineapple juice🍍 kasi nga raw nakakatulong para lumabas si baby. Nakatulong naman mga momsh, nakatulong mga junakis ko uminom ng pineapple juice🙄 Naisip ko pumunta ng lying in para kunin ang mga gamit dahil baka malayo pa ang umaga😂⛅🎶. December 14 ng 2:30am nagising ako dahil nagco-contract na ako every 10mins. Tolerable naman ang pain at mataas din pain tolerance ko 😩💪Pero di na ako makatulog dahil sunod2 na siya. Nakiramdam pa ako hanggang 4:45am. Naihi ako at ang anak kong lalaki. Napansin niyang di ako makatulog kaya di rin siya natulog dahil sa lamig daw ng aircon, ay hala siya! 😂 So bumangon kami at nagbfast ako, ako lang, yung anak ko nakatulala lang sa sala, ayaw kumain😅 Tapos naligo na ako at nag prepare ng mga gamit namin ni Ethan. Ayun na, 6am na, ginising ko isa ko pang anak na babae at nag paalam nako na aalis na para ilabas si Ethan, excited si ate. Ayun umalis na ako. Yung contractions sige pa rin ng sige 8mins na interval. Dumating ako sa lying in ng 6:15am since malapit lang naman sa amin. Sabi ko sa midwife mag checheck in na talaga ako di na ako uuwi😂 IE uli ninang mo, gulat ako 8cm na pala di man lang nasira mukha ko sa sakit (apaka yabang naman✌️) So higa, upo, tayo ako sa labor room hanggang sa every 4-5cm na ang contractions at nawala yabang ko. Sirang sira pagmumukha ko sa sakit dahil almost fully dilated na ako pero si LO napasarap pa tambay sa taas. 1:30pm sabi ko sa midwife palabasin na natin to ang sakit na talaga. Ayun dinala na ako sa delivery room at nagumpisa ng umire. Sa yabang ko naka apat na ire pa ako bago lumabas dahil sa laki niya. At siyempre ng lumabas PRAISE YOU OH LORD ang sabi ko🙏🙌 Safe and sound kami nakaraos ni LO at walang anumang aberya. Binonggahan ko yung ire ko kaya may mga red spots sa katawan at mukha ko at siyempre pa umabot malapit sa pwet ang tahi ko😩😭 Ganito ako sa previous delivery ko. Mas ok pala sa lying in manganak kesa sa hospital sa pakiwari ko lang at experience ko ha. Mas Betty lafea ko lying in, maalaga talaga sila. So mga momsh na naghihintay ng kaarawan ni LO, ilaban mo momsh, konting kembot at tiis lang makakaraos din. Worth the pain talaga😍

My SONshine after the storm😍❤️
56 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats momsh parang easy nalang sayo hihi sana ganon din sakin soon. Sana di mahirapan 😅

4y ago

❤️ Apakayabang ko lang momsh kasi taas pain tolerance ko pero wasak talaga ang daanan🤣 tinablan din ang yabang ko sa almost fully dilated pero nasa taas pa si LO

Tanung lang po ilang weeks natanggal tahi nyu ako po 4cm nanganak na po ako

4y ago

Kc 40 weeks na po ako non inum lang nang pineapple at squat squat lakad lakad para mapabalis bumaba skin kc nag 1month and 5 days na di pa nawawala

VIP Member

Congrats mamsh! ❤ Same tayo EDD. Ako di pa nanganganak. Buti kpa nkaraos na.

4y ago

❤️

congrats hehe sana makaraos din ako ng ok sa lying in soon🙏😇

4y ago

You will momsh❤️

congratulations mommy! and welcome to the outside world baby!

Congratulations mommy and God bless sainyo ni baby ❤️🙏

Tawang tawa ako 🤣🤣 pero congrats mommy 💙💙💙

4y ago

Thanks momsh❤️😘

congratulations mommy! ang laki& lusog ni baby. ❤️

4y ago

❤️ Di ko kasi mapigilan lumamon momsh😂 heto nawasak ang daanan🤣

sana all nakaraos na congrats po💗

Super Mum

Congratulations mommy ❤️