41 weeks nairaos din.

Meet my little angel Alexa Jayne salamat sa Dios at nairaos ko ng safe si baby via normal delivery. Di naging madali pinagdaanan ko simula labor hanggang sa pag ire pero totoo nga ang sinasabi ng lahat ng nanay na mawawala ang pagod at sakit na nararamdaman mo pag nakita mo na ang anak mo. Halos 12 hours yung labor ko sobrang sakit na parang gusto ko nalang wag ma huminga para matapos na sa sobrang sakit 2 hours akong umire at sa wakas lumabas din sya. Ngayun alam ko na feeling ng panganganak na kahit alam mo masakit pag dating ng time na lalabas na ang baby nagiging malakas tayu at di mo aakalain na makakaya mo yung sakit. Kaya sa lahat ng mga mommy na kagaya ko lalo ng mga FTM kaya nyu yan. Sabayan lagi ng dasal at kausapin si baby. 2 weeks mahigit na ako simula nung nanganak magaling na rin sugat ko pero hanggang ngayun fresh pa rin sa isip ko kung gano ako naging malakas para mairaos si little one. Nangamba pa ako nung una na baka ma CS ako dahil over due na ako. May 18 dapat expectation nAmin sa kanya pero 25 na sya lumabas habang naghihintay ako ng sign of labor marami akong naiisip na baka pag di pa ako manganak baka makatae na sya sa loob o kaya baka may masamang mangyari sa kanya. Sabayan pa ng mga chismosa mong kapitbahat na araw araw kang tinatanong kung bat di ka pa nanganganak. Araw araw ako nagdadasal na sana mairaos ko na ang dinadala. Advice ko lang sa mga mommy na nagbubuntis palang iwasan nyu po talaga mag pa totok sa electric fan or sa mga bagay na pweseng pasukan ng hangin katawan nyu. Isa yan sa nagpahirap sakin manganak dami kong lamig sa katawan kalagitnaan ng pag iire ko nagka leg cramp pa ako kaya di ko na alam alin uunahin ko yung sakit mg cramp o yung tiyan ko. Pag sumakit sabayan ng ire para mabilis bumaba ang baby. Sa mga kagaya ko na over due rin wag mag alala dahil pag time na talaga lumabas ni baby lalabas at lalabas yan. Go lang mga momsh. Alexa Jayne Bueno via normal delivery 7.8 pouns (laking bata kaya sin nahirapan ako) EDD:May 18,2020 DOB:May 25, 2020

41 weeks nairaos din.
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po 😊❤️

Congrats mommy! 🤍