About Tummy Time

Medyo naiilang po ako i-Tummy Time Baby ko. Baka po kasi mabali Leeg nya😕 3 Months na po Baby ko & Hindi nya pa po Masyado nabubuhat Head nya. Kayo po mga Momsh, Pano nyo po i-Tummy Time Baby nyo??

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung newborn si baby ko may head control na siya agad Pero hindi pa consistent need talaga alalay at sa dibdib ko siya una nakatummy time para napapractice head niya. by 2months ang pagbuhat kay baby nakatalikod na sa nagbubuhat para nakakalingalinga na siya .. hanggang sa tinatummytime ko na sa lap tapos sa bed na . by 3months tumatagilid na and trying na dumapa pero nagpapahiga pa rin . at 4months nakakatagilid na mag Isa . More practice mommy need talaga ng baby ng tummy time kelangan may head control na talaga para kaya na niya dumapa at ang sunod niyan kaya na niya umupo .. may mga videos sa YouTube panuorin mo mommy.. kahit sabihin pa na kanya kanyang milestone yan which is totoo naman syempre kelangan din ng tulong natin para mas maabot nila ang dapat na milestone sa age nila.. more practice lang mommy wag ka matakot kakayanin ni baby yan syempre with extra care wag pwersahan❤️

Magbasa pa
2y ago

btw ok din kung meron ka floor mat dun kayo magplaytime dun mo din siya itummytime lagay lang ng pillow sa dibdib.. kasi mas nakakatigas din ng muscles ni baby Pag matigas din yung hinihigaan.. dun din Natuto umupo at gumapang si baby ko.. lagay ka lang din ng mga toys sa harap while tummy time para hindi mainip at umiyak si baby ganon lang ginawa ko dati kasi ayaw din ni baby ko matagal na tummy time kelangan may pang aliw sa harap niya na toys..

Nakadapa po si baby sa akin. Wala pa po siyang 1 month pinapadapa ko na po siya sa akin. Chest to chest po kami. Bale naka upo ako pero yung katawan ko mej nakahiga para makita ko din ginagawa ni baby. 2months na siya ngaun at kayang kaya na niyang iangat ulo niya. Pinag tutummy time ko siya sa akin parin at sa nursing pillow.

Magbasa pa

iba iba din ang baby meron kaseng baby wala pang 1 month kaya na buhatin ang ulo tyaga tyaga lang po mami yung baby ko ayaw na ayaw nya mag tummy time pero dinadapa ko sya sa flat surface kung saan lang kaya nya hinde ko sya pinipilit magpapahingga lang kame ng konti and itutummy time ko ulit sya.

Try niyo po higa ka na naka slanting ang upper body mo po.. bale sa dibdib mo siya naka dapa.. Or ipa harap mo siya sa salamin habang nag ta.tummy time sa flat surface po..

gnyan din si baby ko minsan nabubuhat naman niya leeg niya .minsan parang hirap siya mg 4 months na si baby.

TapFluencer

7 weeks pa lng baby ko pero kaya na nia iangat yung ulo at balikat nia ..

💙

.

Related Articles