please hear me out

Medyo mahaba to. Im already 28 and 5 mos preggy. Di pa kasal pero may date na ang kasal. Nakapagtapos ako ng college with a good course. Nakapagwork din and napractice ko ang profession ko fortunately. 6 years kami ng fiance ko after magbaby. Di alam ng parents ko na buntis ako. Eto ang kinasasama ng loob ko, im on the right age nakatulong na ko in fact pati sa mga ate ko nakatulong na ko di pa rin sapat para sa parents ko. Ang gusto nila yung kumikita muna ako ng 6 digits bago magsettle down. Parang ang unfair naman. Baka tumanda na ako bago ko maachieve yung ganong sahod. And to think na growing up trabaho lang sila ng trabaho para may pangsugal and pambabae. Malayo loob namin sakanila ng mga ate ko to be honest. Kase never ko matandaan na lumabas kmai or nagbonding. Parati silang asa sugal/sabong/inuman. Maayos na tao ang fiance ko. Infact ginawa na niya akong owner ng business niya. Not a single day na pinabayaan ako. I think a normal parent would be happy kase nakatagpo yung anak nila ng ganong tao. Pero iba magulang ko. Naalala ko pa nung nagwowork ako nagtetext or tumatawag lang sila sakin pag tungkol sa pera. And pag onti lang napadala ko dahil may mga obligations din ako ang laging sumbat sakin is "nagtratrabaho ka ba?" ang sakit sakit lang para sakin na marinig yun sakanila. Nga pala yung father ko is may ibang family (kabit at anak sa labas) at di siya nahihiya don. Kami pa ng mga ate ko ang lumalabas na mga walang hiya. Never may nagustuhan ang papa ko sa mga asawa ng ate ko. Lahat daw bobo. I dont think na may karapatan siya sabihin yon well infact ganon ginawa niya sa amin. Ang mama ko naman tinatawag na mga abnormal yung mga apo niyang bata kesyo maingay and malikot (normal sa bata kase nga bata). Balak ko na lang ipakilala anak ko pag lumabas na. Andito na ko sa fiance ko nakatira ngayon and may sarili na kaming bahay. Mga mommy naiintindihan niyo naman siguro na kung bakit di ko pa sinasabi sakanila? ?

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same with my parents. Panganay ako. 23yrs old lang kaka graduate lang. Di naman kami hikahos sa buhay, seaman tatay ko. Nakka survive kami everyday. Pero parang di pa sapat sa kanila. Although ako na lahat gumagastos dito sa bahay. Lalo na sa pagkain. Mas magastos. Walang angal bf ko kung san ko dinadala sahod nya, na nauuwi dito sa bahay. Kasi nilalabas ko sa kanya yung sama ng loob ko sa kanya. Mag 2 na anak namin preggy ako ngayon. Everytime nilang pinangangalandakan sakin na kesyo "next year buntis nanaman yan kita mo." "Yung anak ni ganito nakapag tapos ngayon nag tatrabaho na". Naiinggit sila sa iba. Gusto nila pagka graduate ko kumita agad ako ng 5 digits na di bababa ng 30k to 6 digits. Iniisip nila yung sasabihin ng iba. Nakikita ko yung sarili ko kay sarah sa totoo lang. Yung tatay ko yung kinikita nya sa barko pinangbibili lang nya ng kung ano ano phones/ ps4/ etc. Samantalang ang lakas nya kumita noon dahil wala syang gastos pag uwi at di pa ko college puro inom pero di sya nakabili ng bahay gawa ng laging maluho pag uwi. 2 lang kami magkapatid. 11yrs old lang yung bunso. Ngayon sakin na naka asa yung mga bagay na sana sila nagpundar. Kesyo pinag aral nga daw nila ako para makatulong sa kanila, para kumita ako ng pera para sa kanila. Hindi para mag asawa at mag anak. Ang sakit lang kase gusto nila kong gawing ATM machine. Pambli ng gatas ng anak ko, ipon namin mag asawa kinukuha nila. Kase dapat lang daw na mag issue ako ng pera sa kanila since problema ko na daw na nag asawa ko ng maaga at di ko ginampanan yung tungkulin ko sa knila. Nakakalungkot lang

Magbasa pa
5y ago

lumayo na po kayo sa parents nyo kasi baka magsawa asawa mo kakatrabaho na walang pinupuntahan ang sahod nya na dapat para sayo at sa anak nyo. Ginagawa kasi investment at retirement fund ang anak.🤦‍♀️ Baby nyo po pinaka maaapektuha . Opinyon ko lang po

I know some people might say na "magulang mo pa rin yan, kaya dapat magtiis ka and forgive them kasi wala ka sa mundo kung wala sila" and some other s*** pero alam mo sis, for me, you already did your part. You're on the right age and nakatulong ka na, so maybe it's the best time to let go of your family. Toxic na kasi sila sayo eh. When people are toxic in your life, I think it's best to cut them off kasi they're not healthy for you anymore maski sino pa sila. Besides, chances are they gave you the reason to cut them off. If by any chance sa future nagbago sila, you can always make peace naman but as of now, I don't think it's healthy for you to stay with them.

Magbasa pa

Parang Sarah and Mateo po. But seriously, in as much as we want to respect our parents, I think we deserve the same respect as well. And with your case po, sana po ipaglaban nyo po ang family nyo (your husband/partner and baby). Kasi based on your story, mabuting tao po ang asawa nyo. And sabi nga sa kanta, its not everyday there's someone (like your hubby) comes your way. I think you deserve each other and you both deserve to be happy. Its true that we also have responsibilities sa mga parents natin pero we are more reponsible with ourselves. You have found love, keep it, norture it. Eventually, magiging ok dn po ang lahat. 😊

Magbasa pa
VIP Member

Naiintindihan kita mamsh. Cut your communication with them wag mo i stress sarili mo sa kanila lalo at alam mo ng nakatulong ka na. Hindi mo sila obligasyon pero obligasyon nila pag aralin ka para makakuha ka trabaho na maayos. Tama na yung magbigay ka in case of emergency hanggang don lang or kung mag aabot ka grocery items hindi pera. Iba kasi parents ginagawang investment ang anak. Bayaan muna sila. Maigi din yung malayo ka sa kanila para iwas problema. Goodluck sa journey mo bilang mom. Kaya mo yan.

Magbasa pa

Okay lang yan. Mahirap makisama sa mga toxic na tao. Like where i am now. Everyday stress kasi ang toxic ng family ng husband ko. Hindi kami maka alis alis dahil iniisip nya papano sila pag umalis kami. Iniisip ko nalang uuwi nalang ako sa nanay ko e.haha.we have 1 kid and im pregnant ngayon. Both parents nya have no work. My husband and his younger brother provides for the family. So good decision na nanjan kana ngayon sa fiance mo. Iwas stress.

Magbasa pa

I hear you po, mommy. Okay lang yan. Minsan talaga kailangan mo mag cut ng mga taong toxic kahit pamilya mo pa to. Para lang din sa ikakahealthy mo emotionally, physically and mentally.. Ang magabda, alam mo na mali yung ginawa ng parents mo kaya alam mo na din kung paano papalakihin yung baby mo ng tama. Kaya mo yan mommy. Di ka man masyadong pinalad s a parents, meron ka naman siblings, hubby and baby na makakasama. ❤️

Magbasa pa

Naku hirap nga ng ganyang family.. Choose your happiness at yung fiance mo naman supportive at di kayo pinapabayaan focus ka nalang siguro muna sa bubuuin mong pamilya para di ka mastress alam namin mahirap gawin at hindi isipin pero kakayanin mamsh para sa baby mo.. Mahalaga ang mga magulang pero pag naging magiging mommy na sa tingin ko dapat mas mahalaga na ang baby natin dahil saatin sila naka depende.

Magbasa pa

Ewan ba sa mga magulang na ganyan malalakas pa sila eh inaasa na lahat bg responsibiludad sa mga anak. Milking cow ata nila. Kainis nung bata sila hindi nag ipon o nag invest man lang ng retirement fund tapos pag d pinagbigyan sila pa may attitude. kaya madaming pilipino ang nagkakawatak pamilya eh. Momsh hayaan mo na lang sila baka jan pa masira ang sarili mong family

Magbasa pa

Sis try reading yung mga post ng RM yung kay Richard and Maricar Poon * Relationship Matters.. saka sabi mo naka tulong ka na sa kanila, its time to teach the to fish sabi nga hindi responsibilidad ng anak ang magulang instead magulang ang may responsibilidad sa anak., Put some boundary na bago pa mas lumala. You shouldn't be their milking cow ika nga.

Magbasa pa

Pero personally, I believe na di masama if you will choose your own happiness. You now have a right mind to know what's right from wrong. You've grown to be a good person, you did that to yourself. Ikaw ang huhulma ng buhay mo,hindi sila. Time will come marerealize din nila yan, just pray for them. Live your own life.

Magbasa pa