please hear me out

Medyo mahaba to. Im already 28 and 5 mos preggy. Di pa kasal pero may date na ang kasal. Nakapagtapos ako ng college with a good course. Nakapagwork din and napractice ko ang profession ko fortunately. 6 years kami ng fiance ko after magbaby. Di alam ng parents ko na buntis ako. Eto ang kinasasama ng loob ko, im on the right age nakatulong na ko in fact pati sa mga ate ko nakatulong na ko di pa rin sapat para sa parents ko. Ang gusto nila yung kumikita muna ako ng 6 digits bago magsettle down. Parang ang unfair naman. Baka tumanda na ako bago ko maachieve yung ganong sahod. And to think na growing up trabaho lang sila ng trabaho para may pangsugal and pambabae. Malayo loob namin sakanila ng mga ate ko to be honest. Kase never ko matandaan na lumabas kmai or nagbonding. Parati silang asa sugal/sabong/inuman. Maayos na tao ang fiance ko. Infact ginawa na niya akong owner ng business niya. Not a single day na pinabayaan ako. I think a normal parent would be happy kase nakatagpo yung anak nila ng ganong tao. Pero iba magulang ko. Naalala ko pa nung nagwowork ako nagtetext or tumatawag lang sila sakin pag tungkol sa pera. And pag onti lang napadala ko dahil may mga obligations din ako ang laging sumbat sakin is "nagtratrabaho ka ba?" ang sakit sakit lang para sakin na marinig yun sakanila. Nga pala yung father ko is may ibang family (kabit at anak sa labas) at di siya nahihiya don. Kami pa ng mga ate ko ang lumalabas na mga walang hiya. Never may nagustuhan ang papa ko sa mga asawa ng ate ko. Lahat daw bobo. I dont think na may karapatan siya sabihin yon well infact ganon ginawa niya sa amin. Ang mama ko naman tinatawag na mga abnormal yung mga apo niyang bata kesyo maingay and malikot (normal sa bata kase nga bata). Balak ko na lang ipakilala anak ko pag lumabas na. Andito na ko sa fiance ko nakatira ngayon and may sarili na kaming bahay. Mga mommy naiintindihan niyo naman siguro na kung bakit di ko pa sinasabi sakanila? ?

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Si Sarah G. Nga hindi pina alam yung kasal nya for the sake of her own happiness. Sabi mo nga momsh nasa legal age kana, kaya mo na magdecide on your own, kaya okay lang naman siguro kung di mo muna I paalam sakanila para hindi ka mastress. Bawal mastress ang buntis. Pag nakalabas na si baby, saka mo sabihin.

Magbasa pa

Nako momsh ang mindset kasi ng mga yan investment and retirement plan ang anak ( i mean ikaw) kaya sila ganyan. Ayos lng na wag mo muna sabihin sa kanila at wag mo po stressin ung sarili nyo kasi kung masabi nyo man po sa kanila for sure yan walang magandang masasabi.

Lol wag ka makinig sa pamilya mo. Ganyan yan sila pag alam nila wala na or mababawasan na ibigay mo sa kanila. Hindi lahat ng pamilya, pamilya ang tingin sayo. Minsan banko ang tingin sayo. Mga kalahi ni Mommy Divine

I feel you pero ngayon I'm fine kase nakasal na ako and kinuha narin ako ng asawa ko inalis na nya ako sa bahay namin. everything is fine sobrang gaan sa pakiramdam.

Ok lang yan momma, just do you thing. praying for you na maayos lahat. since preggy ka, dont stress yourself too much. Have fun sa pregnancy mo.

parang yung mga magulang mo ang hindi normal. hays hindi sa lahat ng pagkakataon tama ang magulang, piliin mo kung anong makakabuti.

Parang Sarah G and mommy Divine lang? Matatanda na tayo para pigilan pa sa mga gusto nating gawin 😑

Oh my God...may worse pa pala sa mama ko! I feel u. There are toxic parents in this world.

VIP Member

Hirap pag ganyan ang parents... buti na lang pinalad na kayo sa Fiancé...

Okay Lang Yan sis. I was stress