Hindi magandang experience sa panganganak

Mayroon din ba kayong hindi magandang experience sa panganganak? Sa unang baby ko, everything was going well. Pagdating ko sa ospital, 3cm nako. So sabi ng OB ko pwede na ako mag epidural. Wala yung usual na ka-tandem niya na anesthesiologist kasi holiday. So iba ang gumawa sakin. Hindi mapasok nung doctor yung anesthesia sa likod ko kasi hindi niya mahanap yung gitna ng buto ko sa spine. Tusok siya ng tusok hanggang may natamaan ata siya na nerve. Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi ko na naramdaman yung contractions dahil sa sakit ng ulo. Hindi na din ako naturukan ng anesthesia. Binigyan ako ng pampatulog para sa sakit. Ayun natulog din yung baby ko. Hindi na siya bumababa. Ang ending na-CS ako. Buti na lang bago mag CS, na-try nila ulit na mabigyan ako ng epidural. Kundi general anesthesia ako at tulog lang the whole time.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kamuntikan na ako manganak ng walang ob... Sinaksakan din nila ako ng pampatulog paggising ko nandun na ob ko... Overall naging okay naman dahil dalawang ob ang nagpaanak sa akin at nailabas ko ng normal...

Wag na wag po kayung magpa tupok ng epidural anesthesia kung d sya anesthesiology kasi napaka delikado po nyan. Maling inject nya lang sa nerve mo pwde kang ma paralyze buong katawan mo.