May sinat anak ko pero sabi ng pedia bigyan lang ng paracetamol kung 37.8 ang temperature niya. E, 37.4 siya tapos ang init. Anong puwede kong ibigay para bumaba init ng katawan?

Pedia ko nga 38 pataas dun palang binigyan ng paracetamol. Punas punas nalang po muna mommy. Or cool fever mo siya. Pag kasi nilalagnat si baby, nagcecreate din siya ng antibodies niyan.
Para sa akin, kung ano ang bilin ng pedia yun po ang sundin natin. Para't ano pa na nagpa checkup tayo kung hindi naman natin susundin?
much better kung Magpapacheck sa doctor. ako kc may infection na pla ako sa ihi di ko Pa Alam. sad to say it's UTI..
Pwede naman mommy saka punas punasan mo na din si baby ng basang bimpo lalo na yung kili kili saka alak-alakan.
punas punasan mo lang po ng wet towel. pwede mo rin singitan ng wet cotton balls ung kilikili and/or singit.
mommy watch this. guide for lagnat ni baby.. from Dr Willie Ong youtube.. https://youtu.be/G1VlOGye1BY
punasan and suotan ng presko baka sa init lang kaya tumataas temp
Pwede na po mommy. If may cool fever kayo lagyan mo sa noo.
punasan nyo nalang baby nyo para bumababa lagnat
punas o kaya ligo para bjlumaba temperatura