May katabi ako sa sinehan na bata na suuuuper sutil. Ayaw makinig sa magulang para tumahimik at sinisipa pa ang likuran ng upuan ng nasa harap niya. Ano ba ang paraan para masabi ko sa bata (at magulang) na dapat umayos siya ng kilos lalo na at nasa sinehan siya na dapat ay tahimik na nanonood ang mga tao?
Dapat mas maagang naaayos ang paguugali ng mga bata. Hindi kailangang pagalitan ang bata in public. Kausaping mabuti at masinsinan at ilahad sa bata na hindi maganda ang inasal nya.