May katabi ako sa sinehan na bata na suuuuper sutil. Ayaw makinig sa magulang para tumahimik at sinisipa pa ang likuran ng upuan ng nasa harap niya. Ano ba ang paraan para masabi ko sa bata (at magulang) na dapat umayos siya ng kilos lalo na at nasa sinehan siya na dapat ay tahimik na nanonood ang mga tao?
Kausapin ang magulang para sya na ang bahala magdisiplina sa bata. Alam naman nila na nasa sinehan sila at ineexpect na rin siguro nila na may susuway. Pero wag kausapin diretso yung bata.