16 Replies
Have an eye check with an optha, sila pa din magdedecide id need na talaga magsalamin ng bata. I can recommend yung eye center sa east ave, maayos ang mga facility nila, ok ang mag doctor at wala kang babayaran na dr's fee. Ang maganda eh under pa sya ng DOH. kung ayaw mo naman nang pumila mag private dr ka na lang, try mo kay dra jocelyn sy, may clinic sya sa chinese gen, ust at sa malabon. optha sya ng baby ko. Magaling sya na dra, dinadayo talaga sya.
ako po 8yrs old nagsuot ng salamin, pero pag nagsalamin dire direcho taas ng grado. Ngayon di na ko nagsusuot ng mataas ang grado, transition lens and for astigmatism and coated nalang combined in one ang suot ko. I'm 23 yrs old na, mas malinaw pa mata ko now sa mga highschool lang nagstart magsalamin.
if yun po ang base sa consultation niyo sa opthalmologist or optemetrist na need niya magsalamin ok lang po kawawa naman po kasi if hindi magsasalamin lalo na if pag nasa school baka di mabasa ng maayos ang nakasulat sa black board or mahirapan sa mga activities.
Age doesn't matter. Either you need to wear one or not. Poor eyesight can lead to stunted learning. May mga cases na akala ng magulang tamad lang magaral yung bata, yun pala eyesight related pala kaya walang gana magaral ang bata. (Laging sumasakit ulo, etc.)
Hindi naman, may mga bata na maaga talaga lumalabo ang mata.. pero importante na sa Pediatric Ophthalmologist dadalin ang bata at hindi sa pinupuntahan natin dahil magkaiba dapat ang klase ng salamin na ibibigay sa kanila :)
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-16293)
Yung cousin ko, 4 years old palang sya ang kapal na ng lens nya. Better check pa din with your ophthalmologist, para sila ang mag-advise if need ba talaga na sukatan na ng salamin.
Pabata na ng pabata ang mga batang naka salamin ngayon. Yung anak ng pinsan ko parang 3 pa lang naka salamin na dahil sa sobrang labo ng mata e.
May mga nagsusuot nga na 2 years old pa lang. Pero need yan ipa consult sa specialist para sa proper grading at frame na fit sa age nya.
ung niece ko, 3 months old pa lang sumusuot na ng glasses. pacheck up mo muna mommy..
Mrs. Lia Mryg