16 Replies
Nangyari din sa akin yan once nung 1st trim ko. Pero di ako uminom ng gamot. Pagod kasi ako nun lagi sa byahe from work tapos sinusuka ko rin mga kinakain ko kaya namayat ako. Sakit din ng katawan ko nun. Parang over fatigue ata. Kaya nung nilagnat ako nung gabi, nag rest talaga ako di ako pumasok ng 2 days tapos water lagi. Kusa naman nawala kahit di ako nakapagpa check up at uminom ng gamot. Baka napapagod ka lang mommy sa gawain sa bahay. Pero better pa rin kung pacheck up ka na. After ng 1st trim ko, grabe na yung energy ko. ☺☺
Ganyan din ako nung first trimester ko sis and nag tetake ako ng meds pang pakapit ng baby. About nmn sa pananakit ng tagiliran and balakang baka po may UTI ka much better po if possible makapag pa consult ka sa OB 😊
Hindi po pwedeng lagnatin ang buntis.. gawan nyo po ng paraan makapag pa check up sis..khit lockdown excuse po kc kc buntis kau at check up ang pag labas nyo..bukas po ang mga clinic pang butis khit lockdown..
Pag lagnat at tagiliran mga signs ng uti. Sa suka, may mga buntis na sumusuka talaga momsh. Pilitin mo maka check up ipapa lab test ka sa urine para malaman kung may uti ka. Para magamot na din yan
Maselan ka mom..habang dka pa nkakapgpacheck observe mo mga kinakain mo.. Proper diet/food muna po.. Pag lagi ka nagsusuka at may lagnat better sched na ng appoinment sa doc for check up asap
Monitor mo po yung temp mo mommy. Kailangan mo na magpaconsult, pinapayagan naman emergency or medical cases.
Moms kahit lockdown sabihin mo lang po sa mga nagbabantay magpapackeck up ka nagpapadaan po sila.. Try mo po....
Kung sumasakit yung tagiliran mo at nilalagnat ka, maaring symptoms ng uti. Ako nagkaganyan dn ang hirap.
Ganyan din ako nung first trimister ko. Lahat sinusuka ko. Peru hindi naman ako nilalagnat .
Bka uti po. Kung hindi ka maka pag pacheck up. Tubig lang. Mag water therapy ka sis
Jesica Bernabe Caceres