inlaws

Masaya ba kasama sa bahay ang mga biyenan?

116 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Big No mamsh! Hahaha MIL ko kasi sobra ginagawa saming mag asawa. Twing war sila ng asawa ko damay kami ng anak ko to think na newborn palabg baby ko. Breastfeeding ako pero may times na once a day lang ako kumain kasi sa kanila pag wala kang ambag parang wala kang karapatan makikain. Sobrang hirap ng kalagayan namin dito sa kanila halos di makain ng aso ung mga salita na binabato sakin. Di ko alam kung bakit di naman ako nasagot kahit minsan. Simula nung nanganak ako naging ganyan na sya. Sinabihan nya pa asawa ko na iwan ako. Di ko talaga makakalimutan mga pinaggagawa nya samin ng pamilya ko. Atat na atat na talaga ako umalis dito. If ever di na talaga ako babalik bablock ko sila sa lahat. Ayaw naman niya sa anak ko tsaka sakin okay lang mabubuhay naman kami ng wala sya. Basta mas okay pa din na bukod once na nagplano na ng pamilya. Di mo kasi ma pipredict ugali ng mga biyenan mo. Pwedeng mabait sa una lang. Pero ife ever na nasa ganong situation ka na, isipin mo nalang na andun ka di para sa kanya kundi para anak at asawa mo. Dedma nalang hahaha.

Magbasa pa
4y ago

bakit ganyan mil mo sis? Gumagawa kaba sa bahay? Tsaka mas okay kung sa parents mo nalang ikaw

NO, kasi di pa ako buntis nun nakakasama ko na sila sobra sobrang pakikisama na ginawa ko as in gumagawa ako ng gawaing bahay pero kahit anong maganda papala ipakita mo sa kanila may masasabi at masasabi sila sayo kahit gaano ka kabait sa harap nila patalikod ka pagsasalitaan!! Pagmay pinagawa sayo ang bait pagwala na akong pakinabang sa kanila para di nila ako pinakinabangan kung pagsalitaan ako ng patalikod, nakakasama lang ng loob hahaha!! Tapos ngayon 17weeks naku preggy di pa nila alam kasi ayoko ipaalam pero sa side ko alam na saka nasa pamilya ko ako at yung partner ko, kasi sinabihan nila kami na kapag na buntis ako wag daw kami titira sa kanila kaya ngayon ayoko sa kanila kahit anong pilit ng partner ko ayoko kasi ang hirap makisama sa totoo lang kasi kahit anong maganda ipakita mo may masasabi sayo kaya mas maganda padin sa magulang ko nalang kasi alam kung di nila magagawa sakin yun saka ayaw ng parents ko bumukod kami kasi may sarili nman kame kwarto saka para makatipid daw kami skl! :)

Magbasa pa

Kahit gaano pa kabait ang byenan iba parin ang nakabukod dahil mahirap talaga makisama hinde mo magagawa ang gusto mo. Usually mabait lang naman talaga ang byenan kapag may nabibigay ka at dika pabigat sa anak nila kumbaga dapat pabor sa kanila lahat. Like sa byenan ko dati gustong gusto niya ako pinagseselosan pa ako sa iba pa niyang manugang pero nung d na kami gaano nakakabigay matabang narin sa akin.. Ganun siguro ang buhay kaya mga moms pag tayo naman maging byenan pagdating ng araw huwag na natin iparanas un sa magiging manugang natin dahil alam natin kung ano ang pakiramdam.

Magbasa pa

Depende sa inlaws. Sobrang bait ng family ng parnet ko. Dun kami nakatira after namin maglipat ng work. Almost a yr kami nagsama ng nakabukod but nung gipit kami, dun kami tumira sa kanila. Pinagluluto kami ng mami niya. Magigising na lang kami may foods na. Hati kami sa bills sa bahay para makatulong din, nagbibigay kami ng allowance for food din para pandagdag pamalengke ni Mami hehe. Sobrang bait ni Mami, kakwentuhan ko pa siya kapag kami lang naiiwan sa bahay. Masaya ako dun kami nakatira kasi super bait nila ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Mahirap kasi alam ko na kahit mabait MIL ko may nasasabi pa din palagi lalo ngayon buntis ako,first trimester ang sama palagi ng pakiramdam ko tapos ngayon second trimester bigat naman at tinatamad. Higa daw ako ng higa sabi sakin. ๐Ÿ˜… Plus hndi ko pa kasundo brother in law at asawa nya kaya malamang may sulsol pa mga yun sa biyenan ko. Gustong gusto ko na bumukod kaso ayaw ni hubby at hindi daw nya pa kaya lalo at kakamatay lng ng biyenan kong lalaki.๐Ÿ™

Magbasa pa

Masaya kung walang pera na involve. Problema kasi pag bibisita kami sa mil ko, halos lahat nalang nang gastos sa amin hinihingi. Ultimo pambili ng sibuyas at asin, sa amin pa nahingi. Talos bago kami umalis, nanghihingi pa pambayad nila ng kurynte talos magdadrama pa yan, iiyak iyak and then makikita mo sa fb nag inuman lang sila ng mga kapitbahay nila. Kakabwisit lang kaya ayaw ko talaga bumisita sa kanila. Alam ko kasi motives nila puro lang pera kaya wag na.

Magbasa pa
5y ago

Same tayo sis. Pero hindi in laws ko ang ganyan. Mother ko mismo ganyan ugali ๐Ÿ˜… pera lagi involve. Mas gusto ko pa nga tumira sa bahay ng in laws ko. Sobrang babait conpared sa magulang ko. Buti na nga lang pasensyoso kahit papano ang asawa ko, kahit dito kami nakatira sa magulang ko. Nasa province kasi parents nya eh, kami naman magasawa dito nagwowork sa manila. And kakapanganak ko lang nung March, kaya need din namin ng help tagabantay kay baby pag nakabalik na ako work.

Mas okay sakin kasama mga in laws ko, mababait sila maganda makisama at madali pakisamahan.Alam nilang ang mga boundaries lalo na may sarili na silang pamliya. Mas maganda pa dun , gusto ng nanay ay kasama niya mga anak niya and nairerespect naman niya ang desisyon pag gusto bumukod. Makikita lamg na malungkot sa part niya.Basta mababait in laws ko. Pati nagkakabonding din ang mga magpipinsan dito kaya lalo masaya pag nagsama sama.

Magbasa pa

Ako ayaw ko talagang tumira sa side ng partber q kahit anung pilit nya na dun aq mag buntis at dun manganak.. Ayaw ko pa din.. Ndi nmn sa ugali.. Ayaw ko lng kc ng may masasbi skin, pag nkatalikod aq.. Ayaw na ayae ko un kaya hanggat maaari gusto qng mag sarili kmi ng bhay.. For now 1week nlng due q na dto aq sa mama q aq nkatira sya nsa abroad.. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

alam mo sis mabait man ang inlaws mo o hindi .. hindi talaga ok na kasama sila sa bahay swear. Im saying this because of my experience kahit pa ubod bait ng mga yan. may masasabi at masasabi pa sayo yan. And didiktahan ka nila panu palakihin ang anak mo. although nakakatulong sila sa pag aalaga. makikialam sila ng makikialam kahit di na dapat sila yun

Magbasa pa
VIP Member

ako nman sis my srili n kmi bahay ng asawa ko, but since only child c hubby at nsa abroad nagwwork, dto kmi ni baby skanla nkatira, ala problema saken kasi mbbait nman sila, nga lang may mga pagkkataon pa din na my gusto ka gawin pero parang nsg aalangan ka pa din kasi nga hindi nman ikaw ang original na reyna sa bahay na un.. ๐Ÿ˜œ

Magbasa pa