Nakakasama po ba sa buntis ang pag angkas sa motorsiklo na nakabukaka ang upo.?
Masama po ba sa buntis ang pag angkas sa motor kahit 40 to 60 lang ang takbo .. at hindi po naka pang babae ang upo ko. Tanong lang po 7weeks na po sya mag 8weeks na
not sure din kung totoo.. pero sabi ng mama ko at hipag ko wag daw nabukaka ng upo sa motor. kasi halimbawa kung matagtag ung daan or may lubak tapos nakabukaka ka, baka bumuka or humina ang matres gawa ng pressure ng paglubak. kaya ako pagnaangkas sa motor ni hubby naka-one side ako na upo para close lang maigi legs ko.
Magbasa paAs far as I know po, ang concern lng po sa pag bbackride sa motor is yung mga lubak na daan at yung risk po ng motor. kumbaga sa lahat po ng klase ng transportation motor po ang pinaka risky lalo nat open na open po yan tayo mismo agad ng titilapon o malalaglag. yung sa lubak naman po, ayun matatagtag sa baby yun po ang hindi safe.
Magbasa panakaka angkas prin ako s motor ng husband ko kht 18 weeks n ako. pero ung mga maiksing byahe lang. like punta lang s palengke, mag visit s Ob.. tapos naka side ang upo ko . pinag papaAlam ko naman s OB , at sbi nia okay lang daw . bsta dahan dahan lang daw. . stay safe mommies.
ako mami hanggang sa pagdala saken sa hospital na pag aanakan ko nakasakay pa din ako sa motor na pabukaka,ang ending ayun mabilis lang lumabas si baby heheh,mga 10 mins lng siguro lumabas na si baby 😊
me po going 7 months preggy umaangkas padin kay hubby ng nakabukaka as long as safe po mag drive kasi mas delikado po para sa driver ung naka side ung upo dahil nahihirapan sila ibalance
me din po regular na upo ginagawa ko nakabukaka..hirap po kasi naka 1side ung upo lalo na pag mga main hiway ang byahe...ms takot ako s ganung upo kc mas mabilis ung posibilidad na dumulas ung pwet ko sa motor😅
kung d ka nman maselan, ok lang. Ako nman nakaangkas sa motor ni hubby until 7mos. Mas delikado kasi ang nakaside ka kasi mahihirapan magbalance ung nagdadrive. tandaan mo 2 wheels lang yan. mas prone sa aksidente.
depende kung maselan ka kasi ako nakabukaka sa motor working pa ako mula bulacan hanggang parañaque wala naman naging problem kay baby ngayon pang 33 weeks and 5days na ko
las piñas to pasay lang po working po ksi hehe thank u mi.
nakaside ako umangkas tapos takbo namin talagang 20 lang lumampas man hanggang 30 lang nananabi lang kami parang assurance lang na safe kahit umangkas.
snbe po sakin ng ob ko na pag nasa 1st trimester ka bawal dw po umangkas ng motor . sa tricycle pwede pa po pero sa motor hndi .
Nasakay pa din naman ako ng nakabukaka non hanggang sa lumaki ang tyan ko saka lng ako nagside kung umangkas
gagawin ko ang lahat para sa aking anak. mamahalin ko ng buo ng higit pa sa buhay ko ??