First time mom

Masama kana bang ina pag hindi mo pinabreastfeed si baby? Ang asawa ko nagagalit kase hindi ko napapadede si baby.. parang pinapamukha nya na hindi enough ung ginagawa ko para sa baby namen..

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Idk pero personally as a mom at wala naman akong trabaho, mas gusto ko din kasi magpadede. Bonding namin yan ni baby e,ramdam na ramdam ko na mahal na mahal ako ng anak ko at kailangan na kailangan niya ako. I love the feeling na "need" ka ng anak mo sa araw-araw. Yung tipong pag nagutom, anjan si mama, kapag inantok,anjan si mama, kapag may masakit,anjan si mama. Mahal ko yung pakiramdam na ako mismo ang kailangan ng anak ko. Mahal ko yung pakiramdam na ako lang hinahanap niya. I mean masisisi mo ba ako? Napakabilis dumaan ng mga araw,lalaki din sila agad. Hehehe sana gets niyo point ko,yan ay opinion ko lang naman. Kasi kapag ang baby bottle fed,napakadaling makuha ng ibang tao. Napakadaling maalagaan ng ibang tao. I mean,kaya nila kahit wala ka kasi anjan naman yung dede bote nila. Pero it doesn't apply to all ha, para saken lang at sa kagaya kong full time mom lang ito ha,isa pa, hindi kasi mapapantayan ng kahit anong gatas yu ng galing mismo saken. Sa katulad kong nanay na mas pinili mag-alaga ng anak,walang problema itong pagpapadede,minsan ginagamit ko pang excuse kapag tinamad akong magluto ganon para bahala si papa nila HAHHAA. Pero d natin masisisi ang ibang nanay kung kinulang sila sa gatas. Mas maganda na yung mag dede bote si baby basta busog,kesa ipilit yung kokonti na nasa dede naten. For sure lahat ng nanay is gusto yung best kay baby.

Magbasa pa
2y ago

yung feeling na palagi kang hinahanap ng anak mo na experience ko po yan kahit na from the beginning hindi nag latch sa akin si baby at ngayon 2 yrs old na cya, ako pa rin hinahanap. yung BF po isang way lang para maging close kayo ni baby. basta andiyan kalang parati sa kanya, naglalaro, kinakausap, nagpapatulog at iba pa magiging close pa rin kayo ni baby basta ma feel lang nya na secured at mahal mo cya.

Thank you po sa mga comments nyo. Nakakalakas po nang loob. Sa totoo lang, nung una pursigido ako mag pa BF. Ako pa mismo namili nang BF essentials ko. Then yun pagkapanganak ko, naexperience ko pa ung breast engorgement, hindi ko alam idirect latch si baby saken. So nag pump ako, nong una nakakakuha ako everyday hanggang 60 ml. Till iwan kame nang asawa ko dahil sa tantrums ko. Ayun umuwi sakanila dahil mamas boy. Nawalan ako gana mag pump, hindi naging regular pag pump ko hanggang sa patak nalang lumalabas saken dahil sguro sa nastress ako nang sobra. Hanggang sa natutunan ko din pdirect latch si baby saken. Hinayaan ko kahit sobrang sakit pala non sa nipples kahit magsugat sugat na. Pero hindi talaga nabubusog si baby saken.. kasi after nya umiiyak talaga sya and hindi natutulog. Kaya napipilitan ako timplahin nang formula milk. Dahil ayoko naman sya gutumin. Ayun lang, kaya ngayon mixed feed padin si baby, pero mas lamang pa din formula. Kaya nung binalikan nya kame, nagagalit bakit daw hindi ako nageeffort. Ayun, iniwan kame ulet sa maraming kadahilanan, isa nayung hindi ko pagpapadede kay baby..

Magbasa pa
2y ago

layasan mo bigla.umuwi ka rin sa inyo.

sabihin mo sa asawa mo ikaw mag produce ng gatas shuta sya.. paano kung di talaga kaya ng katawan mha produce ng gatas paano kung si baby mismo may ayaw dumedede sayo kahit sandamakmak gatas mo like me ayaw ng baby ko dumede saken kase nagagalit sya kapag sumisirit ang gatas at nagagalit din naman sya kapag wala syang madede saken tsaka ayaw nya sa nipples ko may gantong bata.. or ayaw mo talaga mag pa dede wala syang magagawa katawan mo yan.. breastfeed ka man o formula hindi mawawala sa bata ang maging malapit sa nanay nya kahit sabihin ng iba jan na mas magandang bf kase di mananakaw o makukuwa ng iba o malalayo loob sayo like duh anak ko nga eh saken at saken lang sya natutulog o mag papahele.. mami sabihin mo sa asawa mo papalitan mo na lang kamo sya yung di nag rereklamo at las na appreciate nya yung ginagawa mo bilang nanay ng anak nya mahirap din kamo gumising para mag timpla at mag hugas ng bote ha nakaka HB yang asawa mo.. wag mo isipin yon mommy ang mahalaga busog ang anak mo, healthy at masaya kayong dalawa 🫶🏻🥹💖

Magbasa pa
TapFluencer

Hi miiiii .. "Your body your rules." Given na may masasabi ang hubby mo on how you feed your baby but, common ask him ano ang mas importante sayo? Mabusog ang anak mo ng naka gatas o gutom ng ndi sapat ang milk supply mo? wala pa ang pros. & cons jan. Now kung ano ang isasagot ng asawa mo tsaka, mo sakanya sabihin yung mga ways na ginagawa mo. At uuuuuuuuutang na loob wala syang karapatang magalit just because ndi mo mapadede yung baby nyo that doesn't mean kasalanan mo. Kung ndi kaya ng katawan mo plus the body knows kung stress ka, nakaka apekto kamo ang ginagawa nyang pagbabantay na ndi mo mapadede yung baby nyo.

Magbasa pa

ganun talaga mommy, wag mo lang dibdibin at baka madepress ka lang, salin naman po nagpure breastfeed ako tapos maliit kasi dede ko nun at payat ang baby ko kung ano anong masakit na salita ang narinig ko kesyo wala naman daw sustansya nakukuha anak ko sa gatas ko, pinakaworst na narinig ko ay ang payat ng anak mo parang hindi daw normal, pero okay naman yung paglaki nya, ngaun sinasabi ko to para malaman ng ibang nanay na hndi porket BF ka eh maiiba na tingin ng taong nakapalibot sayo may makikita at makikita parin silang mali, nasa atin na yun kung pano tau magrereact

Magbasa pa

Breastfeeding man or Formulafeeding iisa lang naman ang Goal natin mga Mommies.. ang maibigay ang Best sa ating mga babies.. 14mos.EBFmom here.. kahit pro Breastfeeding ako never ako nag question sa ibang nanay kung ang gusto nila ay mag formula.. kasi iba iba tayong sitwasyon mahalaga lang naman dito e di natin magutuman ang mga anak natin. kaya mommy yaan mo yan si mister kung hindi mo gusto pa BF ok lang yan.. mahalaga Happy kayo both ni baby..

Magbasa pa
Post reply image

Big no! Jusko maling mindset talaga yan. Fed is best, mi. Wala tayo magagawa, may mga mommies talaga like me na kahit anong gawin eh mahina ang gatas. Kesa naman magutom ang baby natin kakapilit mag breastfeeding kung mahina milk, mas mabuti nang mag formula at least busog si baby. Kutusan ko yung asawa mo e 😂

Magbasa pa

Ideally mas maganda talaga breastfeeding kung supportive ang husband mo sayo pero sa inaasal ng asawa mo, nagdadahilan na lang yan. Walang matinong tatay ang iiwan ang mag ina nya dahil lang hindi nagpapa breastfeed. Positive ako may iba pang dahilan yan bakit gnyan yan, alibi na lang nya yan. Gusto ka talaga iwan.

Magbasa pa

Sabihin mo sa asawa mo palit kayo ng sitwasyon hahahaXD nako kakastress yung ganyang asawa dapat nagbabasa siya about sa mga pagiging ina or mga bagay na pwede niyang maitulong sa pagkakaroon ng anak at bilang asawa mo para hindi kayo magkaroon ng problema lalo.

VIP Member

Same lang tayo mixed breastfeeding. Kasi sng takaw dn ng baby ko 7kgs na sya kaka4mos lang yesterday. Gusto nya tlaga malakas ung milk. Ayos lang un ang mahalaga maibgay ntn ang needs nila. Wag ka paapekto sa iba. Tho mas tipid dn tlga ang ebf. Kaso wala eh.