βœ•

15 Replies

VIP Member

bukod sa masakit sa bulsa literal na masakit talga.. andaming kelangan iinject sayo. iinjectkan ka kung may allergy kaba sa gamot magkabilaan yun at sobrang sakit syempre yung dextrox mo pagpasok mo sa OR ishshave nila ung bandang part na mahihiwa ng walang pagiinarte dahil nakahubad pa tapos iinject na sau ung anestisya na ramdam na ramdam mo tlga ung karayom na bumabaon sa likod mo.. aantukin ka at di mu mararamdaman na may paa kapa pagkatapos ng operasyon at paglabas ni baby hindi mu sya agad makarga dahil di ka naman pwede magbuhat di mo pa agad mapadede dahil bawal sayo gumalaw ng 12hrs at magsalita hanggang di ka nakakatae at nakakautot bawal kumain kahit lumipas ng ang 12hrs at pag natae at nautot kana ramdam na ramdam mu sa tyan mu ang pagdaan ng hangin o tae sa bituka mo dahil di pa nakaayos ito..sobrang sakit nun tatanggalin din ung cateter na nakakabit sa private part mo. iinjectkan ka na naman ng PAIN RELIEVER hirap pang bumalikwas at humiga sa preferred side mu kasi feeling mo bubuka tahi mo.. sobrang ingat mo gumalaw dahil sa sugat mo at again ang hirap ng di mo agad maalagan si baby..kapag umiiyak sya sa madaling araw di ka agad makabangon gusto mo na kainin ang mga pagkaing iniwasan mo noon or mga heavy meals hindi pwede gusto mo magpamasahe hindi pwede gusto mo na bawasan yung timbang mo hindi pa pwede ilang taon pa hihintayin mo bago ulit masundan ang baby mo... so excuse sa mga taong nagsaaabi na di kami naghihirap kami na CS mom..

Aw relate muchπŸ˜”yung feeling na sobrang uhaw kana na para kang namamalimos ng tubig dahil bawal pa nakakaiyak nalang πŸ˜…tapos matapat ka sa ospital na bawal bantay at may oras lang ang dalaw,mahirap ma c.sπŸ˜”

depende pobyan sa pain tolerance nyo, during cs ala ka feel na pain pero ramdam mo lahat ginagawa sayo pero no pain masakit lang oag rurok ng anesthesia pero kaya naman d ganun ka sakit.. after ng cs di ka pwede gumalaw 6 to hours depende yan sa doctor mo yung iba 12 hours pa nakaka bagot yin ang sarap na kasing gumalaw, basta may binder ka lang at sakto pagka lagay ng binder tolerable nmn ang pain may pain reliever naman, nakaka uhaw yan kaya as much as possible gumalae kana para lumabas na ang utot mo at maka inom kana ng water at ng maka kain na at gawin ng tablet ang mga gamot mo, ang pinaka uncomfortable is the catheter kaya ginawa ko nung naka inom na ako ng water sinimulan ko ng i clamp yjng catheter at pag naka feel nko ng na i ihi ako kinikuha ko yung pagka clamp para mag flow tas clamp uli kaya mabilos tinanggal tsaka nililista ko na ang iniinom at na drain doon sa catheter.. basta wag mo isipin na masakit kasi minsan nasa mind ang pain, masakit nmn talaga pero kaya nmn xa.. 12 hours after cs ko na kilos nako, d ko maxado ramdam yung cs wound ko kasi may iba akong pain na na feel mas masakit kesa doon sa cs until niw andito pa din na sobra ata ako sa exercise kung alam ko lang na cs ako sana d nako nag exercise

Mahirap sa unang week dika maka bangon agad pero kayanin mo para kay baby, medyo masakit din s pag wiwi sa una dahil s catiter, hirap bumangon sa kama, naalala ko un tinurok sken anistisya nagulat ako at naihi tapos para akong high kumakanta pa ayoko kse matulog gusto ko makita si baby my times din nag chill ako during operarion, bumulwak pa nga ng dugo un tinangal un katiter pero sbe ng ob ko normal lng un., Dnt forget sis un binder kse feeling mo lage may lalawlaw sa tiyan mo😁 gudluck sis

No pain mamsh dahil sa anesthesia, mahihilo kalang pagka inject ng first anesthesia hanggang sa magmanhid na katawan mo then susunod nila yung pangalawng anesthesia sa likod mo pero sila na ang magcocontrol sayo dahil dimo na magagalaw katawan mo pagka turok ng first anesthesia, mararamdaman mo yung pain pag wala na ang anesthesia and masusuka karin epekto rin ng anesthesia kaya after ma cs ingat kasi pag masusuka baka bumuka yung tahi

Hndi naman basta wag mo ibebaby yung sarili mo mamshie. Be ready din sa bayaran ng isang CS πŸ˜‚ nung nanganak ako sa panganay ko may mga nauna saken 3 days na ni hndi padin nakakaupo. Nung tinanggal na cathither ko nung morning by tanghali upo na ako sa bed, tapos nung gabi naglalakad na ako. May support naman ng binder kaya hnd mo sya mararamdaman. Share ko lang πŸ˜‚

ung pag inject sa likod mejo magugulat ka lang . Pero ung pinaka weird na na experience ko tlaga is nung umepek na ung gamot nhirapan ako huminga kumbahlga habol hininga ako that time gawa ng manhid n ung katawan feeling ko my nakadagan sa dibdib ko nun at naduduwal ako. Nakakapagsalita naman ako nun kaya nagrequest ako ng oxygen πŸ˜…

No pain po pero nagchill ako taz suka ng suka pero wala naman maisuka πŸ₯΄πŸ˜… medyo mahapdi kapag umiihi nung alisin na ang catheter. May pain reliever naman na ipapainom tsaka itinuturok tapos may binder kaya d mo masyado ramdam ang sakit. Doble ingat nga lang sa pagkilos kasi baka bumuka ang tahi. 😊

Sakin ang masakit yung antibiotic skin test haha, sobrang hapdi na ewan tsaka yung patatayuin ka na after need ko na kasi magwiwi dahil inalis na catheter (isa pang masakit pag hinugot sayo) tsaka yung ngalay kasi di pa pwede magunan yan ang kinadala ko sa cs lalo na pagtayo sa kama

VIP Member

Hindi naman po, mas okay nga yun kasi madali ang procedure at sure na safe si baby pagkalabas. Wala kang mararamdaman na pain during operation. If I know mahirap ilabas si baby thru normal delivery nagpa sched nalang sana ako ng cs para di lumaki bill namin hehe

VIP Member

Sa mismong operation walang pain dahil sa aneasthesia at pinatutulog din. Ako sobra nahirapan after, dahil may mga nakitang problema sa health ko at nagkapost-partum depression pa ako. Parang katapusan ko na πŸ˜… pero nakarecover naman na din ako. ❀️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles