Grateful Daughter
Mas minahal ko pa lalo yung mga magulang ko ng mabuntis ako. Sa hirap ng sitwasyon, sa hirap ng paglilihi palagi sila nakaalalay sakin. Naiiyak ako dahil palagi ako nilulutuan ni papa ng ulam makakain lang ako, sa kwarto na nga ako pinaka kain ni mama dahil halos maghapon lang akong nakahiga sa sobrang hilo, kung san san pa sila nakarating makabili lang ng gusto kong pagkain. Yung pag aasikaso ni mama sa twing madaling araw na ako nakakatulog dahil sa lagnat, pag alalay nya sakin sa twing nag susuka ako, ramdam ko yung tunay na pag a alaga nila sakin, na kahit hindi ako dumaing naiintindihan nila yung pinagdadaanan ko. Ramdam ko yung pag a alala at pagmamahal, kahit iniisip ko nung una na na disappoint ko sila, hindi nila ko pinabayaan at ni minsan hindi ko naramdamang nag iisa ako. Pa, Ma, salamat sa lahat, hinding hindi ko kayo iiwan. Habang buhay tayong mag sasama sama dagdag ang apo nyo na kasing tigas ata ng ulo ko. Heheh. Masyado pinahihirapan ang mommy nya. Mahal na mahal ko kayo pa, ma, sana nga nababasa nyo to kaso nahihiya ko sabihin sa inyo, sasabihin nyo kasi ang drama drama ng baleleng nyo. Habang buhay ko kayong pasasalamatan sa lahat ng pagmamahal at pag a alaga nyo samin. Sana dumating ang araw makabawi ako sa lahat, magsisikap ako pagkapanganak ko mama, papa babangon ako, inspirasyon ko kayo at ang anak ko. Wag sana kayong magsasawa sakin, I love you mama, papa.