Bakit kaya ayaw dumede ni baby sa akin simula nung nag pump ako at pinaDede ko sya sa feeding bottle

Mas gusto pa nya dumede sa feeding bottle na naipump ko kaysa direct latch . 5 months na c baby ko now . #respect_post #pleasehelp #advicepls

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Ganyan din sa baby ko mi, nasanay sya sa bottle feeding dahil hindi namin alam may tongue and lip tie pala sya. Lumapit kami sa lactation consultant and bukod sa pagtanggal sa ties, inadvise nya to do PACED FEEDING, nasanay na raw kasi si baby sa bilis ng milk flow kaya naiinip na sya sa breast (nipple confusion). You can also do HAND FEEDING pero kami, hindi na umabot doon dahil nag-latch na sa akin si baby after ilang paced feeding. hehe Hanap ka rin mi ng nipple teat na slow ang flow ng milk bago mo gawin yung paced feeding.

Magbasa pa

Mas bet ni baby magsuck sa feeding bottle mi kasi consistent yong labas ng milk mas nabubusog agad sila. Ganyan din po nangyari sa baby ko bf din ako tapos pump hanggang sa umayaw na sya sa bf.

may nipple confusion na sya mamsh. breastfeeding baby ko pag gabi at bottle sa morning pag nasa work ako. gamit namin yung pigeon nipple (wideneck) di confused dun.

VIP Member

Nipple confusion. Baby ko din ayaw na ng direct latch, naduduwal hahaha. Nasanay na sya sa bottle ibig sabihin.

TapFluencer

Nagka nipple confusion na po mamsh kaya ganun. If gusto mo pa dn mag direct latch sayo, keep offering lang po.

hello mi ganyan din sakin pero syempre bilang mamii tayo dapat tayo yunh masusunod

1y ago

same din Po saken.. nasanay na sa bottle dahil malakas sya dumede kaya Gsto madami nasisipsip. pag pinipilit ko naman ipadede saken nag iiyak Lalo sya.. Minsan kasi pag dumedede sya ,sumisirit tpos parang nasasamid. pinapump ko nalang gatas ko.

ganyan talaga pag nasanay na sa bottle konti lang kac na sisip nila pag sa utong lang

same case huhu naiinis at umiiyak si baby pag sinusubo ko nipple ko sa kanya