Mababa ang tyan at malalim pa rin ang pusod at 24 weeks
maraming nagsasabi ang baba daw ng tyan ko. Feeling ko rin naman kasi madalas kong maramdaman si baby sa puson. Lalo na pag naglalakad ako at nakaupo. Feeling ko naiipit sya. Kahit nakahiga ako patagilid sa baba talaga yung kicks nya. Ano ba dapat gawin? Naniniwala ba kayo sa hilot? Lage kasi nila akong inaalok nyan na magpahilot daw ako. Eh natatakot ako lalo nat di advisable ng mga Ob yan. Posible daw na maputol yung placenta something ganyan. Eh napakaselan ko pa naman. Tsaka pansin ko sa pusod ko napakalalim pa rin. Ilang months bago umusli pusod nyo? Or sadyang may malalim lang talaga na pusod pag nagbubuntis?