Pahiram ng gamit ng newborn

Manganganak po kasi ang kapatid ng asawa ko sa august at gusto nya po sanang hiramin ang mga newborn na gamit ko. Preni-prepare ko po kasi yun sa panganganak ko din this November. Okay lang po ba ipahiram? Hindi naman kaya bawal ayon sa pamahiin? Salamat po sa sasagot.

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung sa tingin niyo naman na sobra 'yung mga newborn na gamit niyo pwede niyo naman po ipahiram yung iba. Ang importante kasi jan mami may naka-prepare ka din ng para sa'yo since manganganak ka din. Ang mahirap kasi jan kung binili mong brand new tapos ibabalik sa'yo ng hindi maayos.