Lampin
Hi mamshies! Naisip ko lang, 14 years ago kasi hndi pa "uso" sa amin ang diapers, kumbaga old fashioned pa and gumagamit pa ng lampin na ginawa from telang katsa na biniling sako ng arina sa bakery ? Back then never nagkarashes ang baby ko, and maaga cia napotty train. Kasi cyempre sa lampin isang ihi lang basa agad, kaya palit ka kagad, hndi nabababad ang pwet ng anak ko sa ihi or pupu, kaya palaging malinis. Magdiaper man cia pag lalabas lang kami. Bago cia mag 1 year old, marunong na cia magsabi pag iihi or pupupu cia ? Naisip ko now na buntis ako with my baby #2, ganon din kaya gawin ko? I know maabala maglaba ng lampin pero if ibig sbhin naman mas tipid and iwas rashes and mas mabilis cia ma-potty train, worth it naman cguro. What are your thoughts, mamshies?