Be one of the lucky winners!

Ikaw ba ay isang breastfeeding mommy? This is for you! Be one of the lucky 50 winners ng Nestle Mamalove Lactation Milk Drink! Here's what you have to do: Step 1: Comment below 1 benefit of breastfeeding. Step 2: Go to the contest page: https://tap.red/pn4lc. Click "Participate" and fill up the form Your comment will serve as your entry for the Mamalove Lactation Milk Drink. Winners will be announced on November 5, 2020 on the TAP app! Siguraduhing nabasa ang mechanics and good luck, mommy!

Be one of the lucky winners!
1335 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ang pangunahing pakinabang ng breastfeeding o pagpapasuso ay ang pagkakaroon ng mas malusog na sanggol. Ang gatas ng ina ay likas na masustansya, at ito ang dahilan sa mabilis na paglakas ng katawan ng sanggol at maagang pagbuti ng kanyang kalusugan. Sa madalas na pag-inom ng breast milk, nakaka-iwas si baby sa mga sakit na karaniwang dumadapo sa mga bagong silang, gaya ng pulmunya, lagnat, at pagtatae. Dahil sa nilalamang antibodies ng gatas ng ina, nakaka-iwas din ang bata sa mga malulubhang sakit gaya ng diabetes, Crohnโ€™s disease, celiac disease, mga allergy, sipon, at sudden infant death syndrome. Bukod dito, ang magagandang epekto ng gatas ay maaaring tumatagal hanggang childhood. Napapaginhawa din nito ang sintomas ng ilan sa mga nasabing sakit. Ang mga benepisyo ng pagpapasuso ay hindi lamang para sa sanggol; nakakatulong din ito sa pagpapaganda ng kalusugan ng ina. Ang breasfeeding ay tumutulong sa pag-iwas sa postmenopausal osteoporosis at nagpapatibay ng buto. Dahil sa ligayang dala ng pagpapasusuo, nakaka-iwas din ang ina sa depression. Sa madaling salita, ang lahat ng ito ay hindi mapapantayan ng baby formula milk. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ’œ

Magbasa pa